CHAPTER 23

824 36 0
                                    


EDEN SAINE FLORIDA

“Hindi ka nagpaalam na uuwi kanina,” mahinang sambit ni Croy nang makalapit sa 'kin.

Lumapat ang ngipin ko habang nakatikom lamang ang bibig. Pagkatapos ko s'yang iwan sa kan'yang bahay ay sinabi ko na sa sarili kong hindi ko na s'ya iisipin pa at ako na mismo ang lalayo kung sakaling magtagpo ang landas namin.

“Nagmamadali ako.” Lalagpasan ko na sana s'ya pero hinigit n'ya ang aking braso saka marahan na inilapit sa kan'ya.

“Ano ba?!” Inis na binawi ko ang aking kamay ngunit hindi n'ya ako hinayaan. Mas lalong humigpit ang kan'yang hawak pero naman masakit ang pagkakahawak.

“I-Iniiwasan mo ba ako?”

Pilit na inilihis ko ang aking mukha nang ilapit n'ya ang kan'yang mukha sa 'kin. Pilit na hinahabol ang aking tingin at para 'bang gusto n'yang makita sa mga mata ko ang katotohanan.

“Ano sa tingin mo?” Pilit na tinatapang-tapangan ang sarili kahit ano 'mang oras ay matutumba na ako sa pagkalambot ng aking tuhod.

Naiinis ako na nagagawa n'yang palambutin ang matagal ko nang sinasara kong puso. Naiinis ako na kaya n'yang ganituhin ako.

Sa pagkakataon na ito ay tuluyan ko nang nabawi ang aking kamay. Hindi muna ako umalis at naghintay ng saglit.

Nakatingin ang kan'yang mugtong mata sa 'kin. Wala na akong balak alamin kung saan n'ya ito galing.

“Iniiwasan mo nga talaga ako.” Hindi iyon tanong kundi puna n'ya. “Anong kasalanan ko?”

“Wala,” mabilis kong sagot.

“Pero hindi iyan ang nakikita ko.”

Tumayo ako ng matuwid at tinignan s'ya sa mata. Umaasa na sana nga mali lang 'yong nararamdaman ko pero hindi, nagsisinungaling lang 'yong isipan ko pero 'yong puso ko mismo ang sumisigaw sa kan'ya.

“Walang patutunguhan ang pag-uusap nating ito.” Mabilis akong umiwas sa kan'ya at naglakad na nga patawid ng kalsada nang makita ang green lights sa bandang gilid ko.

“Eden!” habol pa n'yang sigaw at naramdamang hinahabol nga n'ya ako.

Habang mabilis ang aking lakad patawid ng kalsada ay 'di ko maiwasang 'di mapapikit ng mata. Gusto ko lang naman umiwas sa kan'ya. Gusto kong iligtas ang sarili ko sa pagkahulog.

Nang makatawid ako sa gitnan ng kalsada ay bigla na lang n'ya akong hinila papalapit sa kan'ya at niyakap ako mula sa likuran.

Pabilis ang kabog ng dibdib ko at halos hindi ko na magana ang aking utak. Anong gagawin ko?!

“H'wag mo naman akong ganituhin, Eden, oh.” Pumiyok pa ang kan'yang boses at kasabay ang paglabo ng aking mata.

“Please lang h'wag mo na akong gambalain pa.” Unti-unti kong kinalas ang kan'yang braso sa 'king tiyan at hinarap s'ya. “Umakto lang tayo na hindi nagkakilala. Ayaw ko nang makita ka pa.”

Bakas sa kan'yang mukha ang matinding sakit sa narinig mula sa 'kin. “A-Ayaw ko. Ano ba kasi ang problema natin?!” naguguluhan n'yang tanong at hinawakan ang aking kamay.

Nagmamakaawa ang kan'yang mukha. Balisa na rin ang kan'yang mata.

“Walang tayong problema. Sadyang... Ako lang.” Pahina ng  pahina ang aking boses nang ibigkas iyon. “Iiwan na kita.” At tumalikod ako sa kan'ya nang tuluyan kong mabawi ang aking kamay mula sa nanlalambot n'yang kapit.

Sa bawat hakbang ko ay umaasa akong babalikan n'ya ako at magpumilit ulit sa 'kin. Napangiti na lang ako ng mapait. Kaya ko nga s'ya nilalayo para hindi na ma-involve sa 'kin tapos naghahangad pa akong babalikan n'ya?

Hindi nga n'ya ako sinundan hanggang sa pag-uwi ko sa bahay ay dama ko pa rin ang bigat ng dibdib ko.


Hindi ko na rin nagawang kumain ng hapunan. Akala siguro sa bahay na 'to nakakain na ako, wala naman kasi akong magulang na tatawag sa 'kin para maghapunan.

Natawa na lang ako sa sarili. Malamang matanda na ako, hindi na ako bata kaya nga mag-isa na lang ako at nakayanan ko naman. May kaibigan man ako pero iisa lang ang pinagkatitiwalaan ko, wala ng iba.

Ngayon ko lang napagtanto na ang lungkot pala ng buhay ko sa kabila ng lahat. Oo masaya akong nasasaktan ang ilan at nasasayahan pagpalit-palit na lalaki. Pero pagdating naman sa tunay kong mundo wala akong maasahan.

Sobrang oa ko na. Nasaktan lang ako sa ginawa ni Croy tapos ganito na kaagad ang nangyari? Wala, eh. Masyado akong mahina pagdating sa emosyon. Masyado napababa ang tingin ko sa aking sarili.


~•~•~•~

“Pawisan ka na, Eden. Magpalit ka kaya ng damit sa comfort room.” Biglang sumulpot si Ophelia sa 'king gilid habang pinupunasan ang kan'yang pawis.

Napaikot ang aking mata at saka pinaypay ang sarili gamit ang aking kamay. “Okay, okay. Wait mo na lang ako sa canteen.”

“Alright, sis.”

Hindi na ako nag-abala 'pang magpaalam sa iba at naunang lumabas ng dance room bitbit ang aking bag. Pakiramdam ko ang lagkit-lagkit ko na kaya naman nagmamadali akong tumungo sa first floor kung saan nando'n ang comfort room.

Mabaho pa 'yong Cr sa second floor kaya hindi ako ro'n dumiretso.

Akmang papasok na ako sa loob ng comfort room nang biglang may humigit sa 'kin. Muntik na akong tumili nang ipasok n'ya ako sa panlalaking Cr at tinakpan pa ang aking bibig para 'di sumigaw.

Nagpumiglas naman ako. Halos kumabog ang dibdib ko sa kaba pero gano'n na lang ang gulat ko nang makita kung sino ang humila sa 'kin.

Unti-unti n'yang inalis ang kan'yang kamay sa 'king bibig saka ako sinenyasang 'wag maingay.

“Alam mo 'bang halos atakihin ako sa puso?!” histerikal kong bulyaw sa kan'ya.

Salubong ang kilay n'yang napakamot sa batok. “I'm sorry.” Hingi n'yang paumanhin. “Let's talk now.”

Napanganga ang bibig ko. “Ano naman ang pag-uusapan natin, huh?” Akala ko pa naman hindi na n'ya ako aabalahin pa simula nang hindi n'ya ako hinabol no'ng nakaraang araw.

“Binigyan lang kita ng ilang araw para sa space. Ngayon, mag-usap tayo.”

Tinarayan ko lamang s'ya at akmang lalagpasan s'ya nang iharang n'ya ang malaki n'yang katawan sa pintuan.

“Tumabi ka, Croy!” inis kong utos at hinila s'ya para umalis sa daanan.

Napatili na lang ako nang walang kahirap-hirap n'ya akong binuhat saka isinilid sa Cr. 'Di pa man pumasok sa isip ko ang nangyayari nang mabilis n'yang isinara ang pintuan.

“Ano sa tingin m—”

Nanlalaki ang matang napatiud ako sa kinatatayuan ko nang walang paalam n'yang sinapo ang aking mukha saka hinalikan sa labi.




The Fatty Nerd (Nerd Boys Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon