EDEN SAINE FLORIDA“Wala ka 'bang ibang gagawin kundi sundan lang ako?” inis kong tanong sa matabang lalaki na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan. Hindi naman ako interested na malaman iyon.
“Hindi ka ba makalakad ng diretso? 'Wag mo akong pansinin dito,” sagot naman n'ya. Mukhang hindi natinag sa galit kong mukha.
Mabilis ko s'yang hinarap nang makarating kami sa parking lot ng university. “Bakit kasi sinusundan mo pa ako? Pwede naman sa ibang daanan ka na lang!” Iniwaksi ko pa ang kamay sa ere.
Huminto s'ya sa harapan ko at nakapamulsang tinignan ang aking mukha. Hindi ko ngayon mabasa ang iniisip n'ya at kung ano man ang motibo n'ya. Masyado s'yang misteryoso kung tutuusin.
“Gusto ko lang malaman na ligtas 'kang makakapunta rito.”
Napanganga ang bibig ko sa sagot n'ya. Mukha ba akong maaaksidente? Hindi naman ako bata!
“Pwes, kaya ko ang sarili ko. Hindi mo na kailangang sundan ako,” singhal ko sa kan'ya at iniwan s'ya, hindi ko alam kung nakasunod ba s'ya o ano. Hindi ko na kasi naramdaman ang kan'yang presensiya.
Paliko pa lamang ako ng pasilyo patungo sana sa classroom ko nang makitang nakaabang si Khoen sa labas ng classroom namin.
Tuloy ang lakad ko kahit nagtataka kung bakit s'ya nando'n. Paniguradong may nobya 'to sa classroom namin.
Akmang lalagpasan ko na sana s'ya nang hilahin n'ya ang braso ko paharap sa kan'ya. Nagsalubong ang kilay ko sa kinikilos nito. Pansin kong napapadalas na ang paghila n'ya sa 'kin.
Binawi ko ang aking kamay at masama s'yang tinignan. Tanging ngiti lamang ang sinukli n'ya sa 'kin.
“I just want to talk to you,” panimula n'ya.
Lumihis ang tingin ko. Nakita kong nag-aabang ang mga kaklase ko sa susunod naming gawin. Mas lalong nag-aabang sila sa sasabihin ni Khoen. Saksi silang lahat sa katarantaduhang ginawa ni Khoen sa 'kin noon.
“Nag-uusap na tayo, oh,” sarkastik kong sambit.
Para matapos ang usapan, kailangan ko lang pakinggan ang kan'yang sasabihin tapos iiwan s'ya. Gan'yan naman s'ya no'ng hindi pa ako tapos magsalita noon. Nagmamakaawa na ayusin ang gulo pero pinili n'yang talikuran ako. Nakakagago.
Napatingin-tingin s'ya sa paligid. “Not here. Do'n tayo sa labas.” 'Di pa man ako nakakapagsalita nang hilahin n'ya kaagad ako.
“Kaya kong maglakad! Hindi mo na ako kailangang hilahin pa!” Marahas kong binawi ang kamay ko at nauna nang maglakad. Pasalamat s'ya dahil maaga pa ngayon.
Ramdam ko naman na sumunod s'ya sa 'kin. Napaikot ang mata ko nang makita ang babaeng pinalit n'ya sa 'kin. Nagtataka naman ang babae kung bakit ko s'ya tinarayan. Isa pa 'yan sa tanga.
Pumaharap ako sa kan'ya nang makarating kami sa tambayan ng university. Halos bench at tables lang ang makikita rito.
“Spill it,” seryoso kong sabi at hinintay ang kan'yang sasabihin.
Naglulumikot naman ang kan'yang mata, kong saan-saan na tumitingin. Tsk, akala ko na may sasabihin 'to?
Tumikhim muna s'ya at nakapamulsang lumapit sa 'kin. Agaw pansin din ang taenga n'yang namumula. Hindi ko gusto ang nakikita ko.
“Bakit may boytoy ka?”
Napabuka ang bibig ko sa tanong n'ya. Akala ko pa naman kung ano tapos ito lang pala ang pag-uusapan namin.
“Wala 'kang pakialam. Hindi naman kita pinakialaman di'ba?” Bahagyang tinabingi ko pa ang ulo ko.
Dinilaan n'ya ang kan'yang sariling labi. “Gusto ko lang sanang sabihin na... Manliligaw ako sa 'yo.”
Natigilan ako sa sinabi n'ya at 'di kalaunan ay napatawa na rin. Grabe! 'Di ko inaasahang ngayon kaagad s'ya mag-uumpisa. Matagal ko na itong hinihintay, hindi para magpakatanga kundi para ibagsak ulit s'ya tulad ng ginawa n'ya sa 'kin.
Mukhang nasaktan pa s'ya sa klaseng tawa ko. Oh, boy. Wala s'yang karapatang masaktan.
“Narinig mo rin pala ang balitang pa iba-iba ang lalaki ko.” Nakangising tinuro ang aking sarili.
Napatagis s'ya ng bagang. Woah, may bagang na pala 'to?
“Anong ibig mong iparating sa 'kin?” malumanay n'yang tanong ngunit bahid naman sa kan'yang mata na hindi n'ya nagustuhan ang sinabi ko.
Umasta naman akong nag-iisip. “'Di mo ba narinig sa balita na hindi ako nagseseryoso ng lalaki? At narinig mo rin ba na ayaw kong pumasok sa seryosong relasyon?” sunod-sunod kong saad.
Napabuga ito ng hininga at mukhang may pinipigilan sa kaloob-looban n'ya. Baka gusto n'ya pa ulit ng laro? Napangisi na lang ako. Ibibigay ko na ba sa kan'ya ang larong iniwan n'ya sa 'kin?
“I'm sorr—”
“Bullsh*t!” Agad kong pinutol ang kan'yang sasabihin. Nagngingitngit ang mga ngipin sa aking galit.
Nagulat naman s'ya sa sinabi ko. 'Di n'ya siguro inaasahang minura ko s'ya. Siguro akala pa n'ya hindi pa rin ako nagbago, akala n'ya pa rin na mabibilog n'ya ulit ako. Sorry, boy. Hindi na ako isang anghel na nakilala mo noon.
Masama ko pa rin s'yang tinignan. “H'wag na h'wag 'kang magso-sorry sa 'kin! Akala ko na matalino ka?!” Tinignan ko s'ya mula ulo hanggang paa. “Hindi ko alam kung bakit pa kita pinatulan noon. Ngayon ko lang na-realize na isa ka sa mga boring na lalaking na kilala ko.”
Napalunok s'ya ng laway at malamlam ang kan'yang matang nakatingin sa 'kin. Paawa pa ang abnoy.
“P-Please, Eden...” nahihirapan n'yang sambit.
Ngising demonyo ko naman s'yang nilapitan pa lalo at inilapit pa ang mukha ko sa kan'ya.
“Please what? Gusto mo na pumasok sa buhay ko?”
Nanlaki ang mata n'ya sa sinabi ko. “T-Tanggap mo na ako?” 'di makapaniwalang tanong n'ya.
Napatango-tango naman ako at 'di naglaho ang demonyong ngisi sa labi ko. “Of course, you deserve a second chance.” Tatlong hakbang na paatras ang ginawad ko habang hindi inaalis ang tingin sa kan'ya.
Mahinhin naman akong umupo sa lamesa at dumikwatro ng upo sa kan'yang harapan.
Tulad kanina ay napalunok na naman ito at pilit na h'wag ipakita ang kan'yang ngiti na kanina pa n'ya pinipigilan.
“D-Do you still lov—”
“Hindi,” mabilis kong sabi at ngitian ulit s'ya. I am waiting for his another response.
Nahihiyang ngumiti naman s'ya sa 'kin. Umasa yatang gano'n pa rin ang nararamdaman ko sa kan'ya. Tanging galit at paghihiganti lang ang nasa dibdib ko.
“Don't worry. Kaya ko naman pabalikin ang nararamdaman mo noon sa 'kin,” confident n'yang sabi. Gusto ko matawa pero pinigilan ko lamang.
“Simula ngayon liligawan na ki—”
Pinutol ko ulit ang salita n'ya. “Hindi na kailangan. So willing ka na ba?” Hindi na ako makapaghintay na makipaglaro sa kan'ya.
Malapad na ngumiti s'ya. “You mean, tayo na kaagad?”
Saglit akong 'di nag-response at kalaunan ay dahan-dahang umiling sa kan'ya. Nagtaka naman s'ya sa inasta ko.
Nawala ang kan'yang ngiti. “I thought...” 'di pa man n'ya nadugtungan ang kan'yang gustong sabihin nang diretsuhin ko s'ya kung ano ang ibig kong sabihin.
“Are you sure you want to play a game with me?” Ngumisi ako. “Do you accept to be one of my boytoy?”
BINABASA MO ANG
The Fatty Nerd (Nerd Boys Series #3)
Romance(COMPLETED) (NERD BOYS SERIES #3) Eden Saine Florida does not have a reputation for being friendly to others, and she is unconcerned with what they may think of her. She fulfills all of her desires, with the exception of a high grade, which she is u...