CHAPTER 16

2.6K 155 6
                                    

Chapter 16

      "PWEDE mong tingnan ang katawan ko kung kailan mo man gusto ko dahil asawa mo ako, besides pwede mo pa ngang lasahan eh!" Sabi ni Vicente.





"Sino bang magtatangka diyan sa katawan mo?" Umakto pa siyang puno ng sarkasmo. "Umalis ka nga diyan dadaan ako." Sabi pa niya kahit ang totoo ay humaling na humaling siya sa katawan nito, gusto niyang muling maramdaman ang init ng pagka—forget! Shit!



Nakita niyang pumasok na ang binata sa loob ng bathroom kaya naging malaya na siyang magbihis.




Matapos mag-bihis ay nag-tungo na siya sa kusina at nag-tingin-tingin ng maari niyang lutuin.




Nakita niyang may karneng manok doon kaya naisipan niyang mag-luto ng adobo. Adobo na minsan na ring itinuro sa kaniya ng nobya.



Ano kayang nangyare sa nobya niya? Ayos lang kaya ang nobya niya? Matutuloy parin kaya ang kasal nila? Shit! Tila ramdam niya ay nagtataksil siya dito. Niloloko niya ang nobya niya! Shit!



"Hey, hubby mukhang malalim na naman ang iniisip mo ah." Isang baritonong boses ang nagsalita malapit sa tainga niya.



Bahagya pa siyang napapitlag sa gulat dahil dito.



Naramdaman niya ang mga kamay ng binata na yumayakap sa tiyan niya.



"Umalis ka nga diyan. Hindi ako makakapag-luto sa ginagawa mo!" Saway niya sa binata kahit may bahagi sa kaniyang sarili na gusto niya ang pagyakap nito.



Mahinang tumawa ang binata at inalis na nito ang kamay ngunit pinaharap siya nito bigla at agad hinalikan sa mga labi.


Mabilis na halik ngunit ramdam na ramdam niya. Shit! Shit! Shit!




"Pwede ba? Nagluluto ako Vicente! Please behave yourself, will you?" He sounds irritated but not.



"Why don't you teach me on how to cook, para naman mapag-silbihan din kita kung sakali." Suhestiyon ng binata.




"Nagugutom na ako. Baka matagalan pa tayo!"




"Hindi yan. Come on hubby, just teach me how, please." His puppy dog eyes was shown in his eyes.



Ano pa nga ba ang magagawa niya? Masyadong mapilit at hindi siya makatanggi. Gutom man at tila nagpapatayan na ang bulate sa kaniyang katawan ay mas pinili parin niyang turuan ang binata.




"Gayatin mo itong sibuyas. Tsaka itong bawang, tsaka ang manok—"



"Hey, hinay-hinay lang hubby. Baka hindi ko makuha ang sinasabi mo." May pagmamaktol pa nitong sabi.



"Okay." He said. "Gayatin mo na ang sibuyas." Utos niya.




Pinanuod lang niya ang binata habang binabalatan nito at sinimulang gayatin ang sibuyas.



Lihim siyang napapatawa ng panay ang pagmumura ng binata. Halos murahin na nito ang sibuyas at panay ang pagkusot ng mga mata.




"F-ck this onion. F-ck this!" Panay ang pagmumura nito. Naluluha talaga ito sa aroma ng sibuyas.





Hindi na niya napigilan. Malakas siyang napahalakhak habang sapo-sapo ang kaniyang tiyan. Sobrang nakakatawa kasi ang ekspresyon ng mukha ng binata.




"Vicente Vedge, the famous lawyer of all time is now crying because of onion? I can't believe this." He teased him while laughing so hard. So hard to the point that he can't breath.




A Gangster's Lover Series Book 3: Vicente Vedge (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon