Chapter 35
HINDI nagtagal ay naresolba din ang problema nina Adrian at Vicente. Tanging malaking hindi lang pala pagkaka-unawaan ang lahat ng mga pumagitan sa kanilang dalawa.
Masaya si Adrian na muling bumalik kung ano yung dati nilang pinagsamahan. Muling bumalik ang asawa niya sa pagiging malambing, pagiging maalagaan at palaging siya ang inaalala.
Tumigil na din ang asawa niya ng umuuwing lasing, lagi ng maaga ang uwi nito at laging may dalang pasalubong para sa kaniya ang matamis na mansanas na labis niyang pinaka-aasam sa mundo.
Hindi mabilang ang mga ngiti na sumilay sa kaniyang mga labi ngayon ay matutuloy na ang pinangarap nilang dalawa na kasal. Matutuloy na ang kasal nila na labis labis niyang gustong maranasan.
Sa mga araw na lumipas ay hindi na tumawag o nagpakita sa kaniya si Annette tanging mensahe na lang nito ang kaniyang nabasa na maayos na daw ang lagay nito kasama ang nobyo nito na ngayon ay hindi na ito sinasaktan.
Ngayon panatag na siya. Panatag na ang lahat para sa kaniya at handang-handa na siyang pakasalanan ang tinitibok ng kaniyang puso.
Narito sila ngayon sa America upang ganapin ang kasal nilang dalawa. Naka-suot siya ng itim na tuxedo at talagang umutlaw ang kaniyang taglay na kagwapuhan.
This is it! This is it! Ikakasal na sila.
Labis labis ang sayang naramdaman niya ng makasakay na siya sa kotse at tinatahak na nito ang daan patungo sa pag gaganapan ng kanilang kasal.
"Are you nervous?" Vicente asked.
Nakalimutan na tuloy niyang nasa tabi pala niyang ang kaniyang mahal na asawa. Naka-suot din ito ng itim na tuxedo tulad ng suot niya. At masasabi niyang ito na ang pinaka-gwapong tao na nakilala niya sa buong buhay niya. Ang lalaking nagpatibok ng kaniyang puso.
"A little bit. How 'bout you?" He answered and asked back.
"I'm not!" He answered again.
Hindi siya naniniwala sa sagot nito. Kitang-kita kasing mas kinakabahan pa ang asawa niya kaysa sa kaniya. Bahagya kasi ang panginginig ng mga kamay nito at ang pamumutla.
Imbis na konprontahin ay dumukwang na lang siya at hinalikan ang mga labi ng binata na agad naman nitong tinugon.
It was a quicked kissed.
Nang makarating sila sa pagdadausan ng kasal. Kung saan pili lang ang mga taong imbitado. Mga kaibigan ng asawa niya, at ang iba pang inimbita niya. Isa lang ang kulang, iyon ay ang dati niyang nobya na inimbita niya. Hindi ito nakadalo sa kasal.
Masasabi niyang siya na ang pinaka-maligayang tao sa buong mundo. Kahit simple lang ang pagkakaayos ng kasal tulad ng gusto niya ay sadyang nagbigay ito ng labis sa kaniyang kaligayahan.
Maya-maya ay naramdaman niya ang mga kamay ng binata na pinagsalikop sa mga kamay niya. Tumingin siya dito at nagtama ang mga mata nilang dalawa.
He mouthed i love you and so is he.
They start walking at the aisle. Sobrang sobra ang saya niya. Lalo na ng maramdaman ang lamig sa mga kamay ng asawa niya dahil nga sa kinakabahan ito. Lihim na lang siyang napapangiti.
Sa bawat pagdaan nila ay may mga nagsasaboy ng bulaklak. Hindi niya alam pero talagang hindi niya mapigilan ang matinding kasiyahan. Hindi niya mapigilan ang mabilisang pagtibok ng kaniyang puso.
Maya-maya pa ay nakarating na rin sila sa unahan kung saan naroon ang pari na magpapatibay sa kasal nilang dalawa.
Vicente guided him to sit and he gladly do it with the smile on his lips. Umupo na rin ang binata patabi sa kaniya. Hindi parin naghihiwalay ang kanilang mga palad sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
A Gangster's Lover Series Book 3: Vicente Vedge (Completed)
Storie d'amoreWarning: Mature content|R-18 (BxB) (Mpreg) Vicente Vedge, A shy type boy with good personality. Wise, handsome, and downright gorgeous, that's how they described him. He never dated a girl before because he knew that having a girlfriend is going to...