Chapter 29
MGA ilang araw pa ang lumipas simula ng mag-propose kay Adrian ang asawa niya at sabihin niya ang tungkol sa pagbubuntis niya.
Ngayon nga ay narito sila sa loob ng kwarto naghahanda para sa pag-alis nila. Niyaya kasi siya ng asawa niya na magpunta sa mall at mamili ng mga damit at gamit para sa kanilang anak.
Kung sabik siya sa paglabas ng anak niya ay mas sabik ang asawa niya. Halos lahat araw-araw gabi-gabi kung siya'y pagsilbihan. Napaka-maalaga din ng lalaki sa kaniya, totoo naman na maalaga ito pero mas lalo pang nagiging maalaga.
"Hubby, hubarin mo yang damit na suot mo. Isuot mo na lang yung damit ko. Sabi kasi sa reasearch ko bawal daw magsuot ng hapit na damit." Suway nito sa kaniya.
Napatingin pa siya sa suot niya. Hindi naman mahapit yung suot niya at nakakahinga pa naman siya.
Damn! Nag-oover react na naman ang asawa niya. Naiiling siyang hinubad ang kaniyang damit na suot, para na rin sa kagustuhan ng kaniyang asawa.
May inabot sa kaniyang damit ang asawa niya kaya iyon na lang ang isinuot niya.
Oversized na damit, hindi man lang naiipit ang tiyan niya at komportable siya dito. His husband really knows everything.
Matapos nilang magbihis at mag-ayos ay ngayon narito na sila sa loob ng kotse, nagmamaneho ang asawa niya patungo sa kanilang pupuntahan.
At habang nagmamaneho ay kumain at ngumunguya siya ng mansanas niyang dala. Ito lagi ang kinakain niya kapag may pupuntahan sila. Ewan, pero naging paborito na talaga niya ang kainin ang mansanas. Ang sarap parang yung paborito niyang mansanas sa lahat..
Naubos na niya ang isang mansanas ng makarating sila sa labas ng mall. Matapos maiparada ng binata ang sasakyan ay lumabas na sila. Syempre nasa kamay parin niya ang isa pang mansanas.
Kakagatan na sana niya ang mansanas pero may batang lumapit sa kaniya. Siguro mga 14 yearsold na ito. Nakatingin ito sa mansanas na hawak niya.
Shit! This is the last apple he have. Damn!
"Do you want?" Tanong niya sa binatilyo.
Tumango naman ito. Ang gwapo lang nung bata at ang ganda-ganda ng mga mata nito.
"Here." Binigay niya ang mansanas sa bata at tinanggap naman nito at patakbong umalis.
Hindi niya mapigilan ang panay-panay niyang pagngiti, pero biglang siyang nalungkot. Na-isa na yun eh, ano na lang ang kakainin niya? Tch!
"Bakit mo binigyan ng mansanas yun?" Tanong ni Vicente, ng lingonin niya iyon ay madilim ang itsura.
"Anong masama dun? Gusto niya e." Kunot noong sabi niya.
"Nagseselos lang ako hubby, kapag ako ang humihingi di mo ako binibigyan tapos pag yung batang iyon nginitian ka lang binigyan mo na." Madilim parin ang mukha ng asawa niya na ikinatawa na lang niya.
Pati ba naman bata pagseselosan?
"Stop sulking hubby. Di naman yung bata na yun ang mahal ko, ikaw ang mahal ko." Hinalikan niya sa mga labi ang asawa. "Tayo na mamimili pa tayo ng damit para kay baby." Hinila na niya ito papasok. Naka-nguso parin kasi at madilim parin ang mukha ng asawa niya. Nagseselos parin, hindi na lang niya pinansin.
Kalaunan din ay nawala na ang pagka-kunot at ang madilim na mukha ng binata ng magsimula na silang mamili. Nilibang niya lang ito ng nilibang hanggang sa malibang na nga ang kaniyang asawa.
"Hubby, mag-c-cr lang ako huh? Diyan ka lang babalik din ako. Huwag kang aalis." Pagpapaalam sa kaniya ng asawa.
Ngumiti naman siya. Maya-maya pa ay umalis na ang asawa niya, siya naman ay tinuloy lang ang pagpipili at pamimili ng damit. Hindi pa niya alam ang gender ng anak niya kaya mga unisex na damit, short at pajama ng bata ang kaniyang mga pinamili.
BINABASA MO ANG
A Gangster's Lover Series Book 3: Vicente Vedge (Completed)
RomanceWarning: Mature content|R-18 (BxB) (Mpreg) Vicente Vedge, A shy type boy with good personality. Wise, handsome, and downright gorgeous, that's how they described him. He never dated a girl before because he knew that having a girlfriend is going to...