Chapter 33
HALOS gabing gabi na ng umuwi si Vicente. Lasing na lasing siya dahil dumaan pa siya sa bar ng kaibigan at doon ay nagyaya siyang mag-inom.
Hanggang ngayon kasi ay hindi parin niya makalimutan ang mga nangyare. Hindi parin niya makalimutan ang ginawang pagsisinungaling sa kaniya ng asawa niya.
Susuray at gegewang-gewang siyang pumasok sa loob ng bahay. Diretso siya sa loob ng silid at pinihit pabukas ang pinto.
Nalaman na lang niya na wala doon ang asawa niya. Tila siya'y nahulasan. Nawala ang kaniyang pagkalasing.
Hinanap pa niya sa buong bahay ang binata ngunit wala ito doon. Wala ang asawa niya.
Na'san ito?
Ang tanging alam lang niyang pupuntahan nito ay walang iba kundi ang dati nitong nobya.
Inilabas niya ang telepono sa loob ng bulsa niya para sana tawagan ang asawa niya ngunit may mensahe itong ipinadala sa kaniya. Mga ilang oras na ang nakakaraan.
May nangyare sa company, i might stay here for tonight. Please don't wait for me hubby." His text.
"May nangayare sa kompanya? Ano na namang kalokohan ito! F-ck you!" Malakas, madiin at galit na galit niyang sigaw.
Kailangan ba talaga nitong magsinungaling sa kaniya? Dahil ano? Dahil may nagkabalikan na ito at ang dati nitong nobya? Bakit hindi na lang nito sabihin na ayaw na nito sa kaniya? Doon ay nas maiintindihan pa niya ito.
Mabilis siyang sumakay sa loob ng sasakyan niya at tinungo ang lugar patungo sa bahay ng dating nobya ng asawa niya.
Nagpupuyos sa galit ang damdamin niya. Halos liparin na niya ang daan makarating lang doon. Wala na siyang pakialam kung may traffic o nasa redlight pa. Basta ang alam lang niya ay gusto niyang masigurong tama ang kaniyang hinala.
Mga ilang minuto lang ang ginugol at nakarating na rin sila. Malayo palang ang sasakyan niya ay natanaw na niya ang sport car na pag-aari niya. Ito siguro ang sasakyan ginamit ng kaniyang asawa.
He never, ever cried before, but what is this f-cking tears sliding on his cheeks all about! F-ck he is defenitely crying for f-ck sake.
Umiiyak siya sa ginawang pagsisinungaling sa kaniya ng binata. Halos mapunit ng paulit-ulit ang kaniyang puso. Sobrang sakit, sobra-sobrang sakit.
Imbis na lumabas ng kotse at komprontahin ang binata ay hindi na lang niya ginawa. Inikot na lang niya ang sasakyan at tinahak ang daan pabalik.
Panay ang pagmumura niyang ginawa. Panay ang tila isang libong karayom na paulit-ulit tumutusok sa kaniyang puso.
"F-ck Adrian. Why do you have to lie to me?" Sigaw niya sa loob ng sasakyan habang patuloy parin sa kaniyang ginagawang pagmamaneho...
Nang makagising si Adrian kina-umagahan ay agad din siyang umalis. Ngunit bago siya umalis ay nagluto muna siya ng pagkain para sa dalaga at nag-iwan ng notes na umalis na siya at kainin na lang nito ang niluto niya.
Mga 5:00am siya'y nagmaneho na pabalik ng bahay nila sa pag-asang maabutan niya ang binata, ngunit ng makarating siya doon ay wala doon ang binata. Wala doon ang asawa niya.
Tinawagan niya ito ngunit walang sumagot. He even tried and tried many times but no one answer the calls. He send him a lot of message but no one respond. He didn't respond.
BINABASA MO ANG
A Gangster's Lover Series Book 3: Vicente Vedge (Completed)
RomanceWarning: Mature content|R-18 (BxB) (Mpreg) Vicente Vedge, A shy type boy with good personality. Wise, handsome, and downright gorgeous, that's how they described him. He never dated a girl before because he knew that having a girlfriend is going to...