Chapter 22
NARITO si Vicente sa labas ng kaniyang kotse. Ginawa niyang upuan ang una ng sports car niya.
Tinatamaan na rin siya ng alak na panay lang niyang nilalagok. He don't care if he get drunk. He don't if he can't able to go home. Ang alam lang niya ay masakit. Masakit ang puso niya at tanging ang alak lang ang alam niyang makakapag-hilom kahit sandali sa kaniyang pusong labis na nasaugatan.
"Fuck. Fuck my life!" Sigaw niya at marahas na itinapon ang bote ng alak dahilan para magkabasag-basag iyon.
Nag-wala pa siya at itinapon na ang bote ng alak sa kung saan at lahat ay nagkabasag-basag. Wala na siyang pakialam. Wala na!
"Hey you. What are you f-cking doing you f-cker." Rinig niya ang isang boses ng binata. Ang mura nito sa kaniya ay nagpapantig sa kaniyang mga mata. Umusbong ang matinding galit.
Nilingon niya ang lalaki ngunit saktong paglingon niya ay nasapol siya ng matigas na bagay sa kaniyang mukha.
Gumilong-gilong siya sa mga nabasag na bote, pero hindi niya naramdaman ang kirot kahit pa alam niyang nasugatan ang iba't ibang bahagi ng katawan niya.
Tumayo siya at masama ang bawat mga titig na tumingin sa lalaking may hawak na baseball bat na ginawang pampalo sa mukha niya. Pinunasan pa niya ang tumulong dugo sa gilid ng kaniyang mga labi.
Kahit lasing siya ay hindi iyon naging dahilan upang magpatalo siya. Walang pasabi-sabing sinugod niya ang grupo ng mga lalaki. Hindi siya nakaramdam ng takot kahit pa marami ang mga iyon. Hindi ang mga iyon ang makakapag-pabagsak sa kaniya.
Binigyan niya ng isang malakas na suntok at ubod lakas na sipa ang ibinibigay niya sa mga lalaking sumugod sa kaniya.
Walang siyang pinalampas. Hindi niya iniinda kahit paminsan-minsan ay nadadaplisan siya ng kutsilyo sa tagiliran. Kahit paminsan-minsan ay tumatama sa kaniya ang baseball bat.
Wala siyang naramdamang sakit dulot siguro ng alak.
Kung matalim ang titig niya ay mas lalo pa itong tumalim. They dare hit him? F-ck them. Tila naging mistulan siyang isang mabangis at maliksing hayop. Panay ang pakawala niya ng malalakas na sipa at suntok. At lahat ng pinakakawalan niya ay tumatama sa mukha at tiyan ng mga kalalakihan.
He punched, kicked, punched, kicked and kicked until no left standing. Lahat ay nawalan ng malay at pagod siyang napahiga.
Halos hinihingal pa siya at mabilis ang bawat paghagilap niya ng hangin.
Nagmamaneho ng sasakyan si Adrian patungo sa nobya niya at bigla niyang naihinto ang sasakyan ng makita ang grupo ng kalalakihan napinagtutulungan ang lalaking hindi niya maninag ang itsura. Nakatalikod ito sa kaniya ngunit kilalang kilala niya ang likod nito. Alam niya kung sino ito.
"Vicente?" Kinakabahan niyang wika sa kaniyang sarili.
Agad niyang pinara ang sasakyan sa di kalayuan at patakbong tinungo ang labanan, ngunit huli na siya. Nakita niya ang katawan ng binata na unti-unting bumagsak sa sahig.
Damn! Damn! Damn!
Binalutan siya ng matinding kaba habang patuloy parin sa pagtakbo. Labis at paulit-ulit niyang ipinagdarasal na mali ang nakita niya. Na hindi si Vicente ang lalaking pinaghihinalaan niya.
BINABASA MO ANG
A Gangster's Lover Series Book 3: Vicente Vedge (Completed)
RomanceWarning: Mature content|R-18 (BxB) (Mpreg) Vicente Vedge, A shy type boy with good personality. Wise, handsome, and downright gorgeous, that's how they described him. He never dated a girl before because he knew that having a girlfriend is going to...