CHAPTER 28

2.3K 142 5
                                    

Chapter 28

       GABI na ng magising si Adrian. Naikusot-kusot pa niya ang kaniyang mga mata.


Napakunot pa ang kaniyang noo ng manuot sa kaniyang ilong ang amoy ng mansanas. Yeah, he smelled apple, a sweet one.

Bumangon siya at hinanap ng kaniyang mga mata kung saan nanggagaling ang amoy na iyon.

Nakita niya sa ibaba ng kama ang isang mapulang mansanas na nasa sahig. Pinulot niya iyon at tiningnan.

Bakit may mansanas dito?


May nakatali sa tangkay ng mansanas ng tingnan niya iyon ay letrang M ang nakatali sa mansanas.

M? Para saan ito?


Dahil sa kuryosidad ay lumbas siya ng kwarto. Ganun na lang ang pagka-kunot ng kaniyang noo ng may makitang mansanas muli sa sahig.

Pinulot niya iyon at nakita ang letrang nakatali doon. Letrang A.

M at A?

Mas lalong nasabik siya. Dahil sa kuryosidad ay sinundan niya ang mga traces nagkalat kasi ang mga dahon ng mansanas sa sahig na nagdadala sa kaniya sa mga bunga.

May nakita pa siyang mansanas. Letrang R. Isa pang mansanas letrang R ulit.

Maraming pang mansanas siyang napulot hanggang sa mapunta siya sa kusina.


Ipinatong muna niya ang mansanas sa lamesa. Doon tumuon ang kaniyang pansin sa mansanas na may papel na nakapulupot doon.


Kinuha niya at tiningnan ang papel. May nakasulat doon kaya binasa niya.


"Bumuo ka ng salita gamit ang mga mansanas na nakita mo. Pagkatapos mong buuhin isigaw mo at makikita mo ako." Pagbasa niya sa naka-sulat.

What is totally the meaning of this? F-ck he don't know. He don't what what is the f-cking meaning of this.

Kahit gulong-gulo man ang isip niya ay mas nanaig ang kagustuhan niyang buuhin ang mga salita sa pamamagitan ng mansanas.

Mayroon letrang, E, Y, A, dalawang M at dalawang R. Ano bang salita ang mabubuo niya dito?

"Mayrrem? Tsk! Hindi naman." Kunot pang lalo ang kaniyang noo. "Ano ba ito? Ano bang salita ito? Kakainis."

Kahit medyo nakakaramdam na siya ng bagot at inis ay muli niyang ipinagpatuloy ang paghuhula kung ano ang mabubuo niyang salita.

Maraming mga salita pero hindi naman tugma. He scrabbled the letter again and again. Until two words pop in his eyes. A two words that made him stilled.

Marry me? Bulong niya sa kaniyang sarili.

Tumingin-tingin siya sa buong paligid. Sa kabuuhan ng kusina.


Bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Ano ba kasi ito? Bakit may salita siyang nabuo na sa tingin niya ay iyon talaga. Iyon talaga ang salitang pinapabuo sa kaniya. Shit!

Binasa niyang muli ang sulat. Kapag natapos na niyang buuhin ay kailangan niyang isigaw ang salitang nabuo niya at tsaka lalabas ito.

Humugot siya ng isang malakas na buntong hininga tsaka niya isinigaw ang dalawang salita na nabuo niya.


Lumingos -lingos pa siya matapos niyang mabuo ang salita at maisigaw. At tumigil lang siya sa kakalingos ng may makita siyang isang malaking mansanas—taong naka-suot ng costume na itsurang mansanas. At ang taong iyon ay walang iba kundi ang asawa niya.

A Gangster's Lover Series Book 3: Vicente Vedge (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon