Chapter 02

1.6K 59 13
                                    

Chapter 02

'I didn't raped you because you enjoyed it, Miss Gallegos.'


'I told you to stop entertaining that jerk, remember?'


'There's no heartbeat anymore... Hindi na kinaya nung bata.'


It was happening again... I'm dreaming of my past just like before. It was dark and heavy, and it felt like I was being pulled down on the depths of the underworld. It was always like this, and I'm not sure if I could get away from it. It's been a long time since it happened; however, I'm still stuck.


'Tama na! Hindi ko na kaya!'


Naiyukom ko ang kamao ko at sa panaginip na ito ay parang paralisado ang katawan ko. Ilang beses na akong nagmakaawa sa kanila na huwag nilang ilagay ang mga droga sa katawan ko pero hindi nila ako pinakinggan. Kahit anong gawin kong pagbaon nu'n sa hukay ay nandito pa rin, nandito pa rin sa katawan ko ang sugat na ginawa nila.


I cried out of desperation for them to stop, but nothing happened. They did the operation and put the drugs on my body. I was screaming from the top of my lungs because of the pain they put me through. I have no strength to restrain anymore. They were all touching me aggressively.


'Tama na!'


Sa huling sigaw ko sa panaginip ko ay parang umahon ang nalulunod kong kaluluwa. Minulat ko ang mga mata ko at napa-upo. Sa pagkawala ko sa bangungot ay nag-iwan pa rin ito ng paalala sa akin na babalikan ako nito. Nakakatakot at hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin na ganito na lang palagi sa tuwing matutulog ako.


Hanggang sa pagtulog ko ay nangangamba ako... Palagi na lang.


I was catching my breath and sweating as if I just escaped a massacre. I darted my eyes to who came in, and it was Aliyah. Even though she hadn't spoken yet, I could see in her eyes that she got alarmed because of me having bad dreams once again.


"You're moaning, so I got up to check if you're okay," aniya.


Lumapit ako sa maliit na cabinet na katabi ng kama ko at kinuha ang gamot, nagbabakasakali na makakatulog ako nang maayos.


"Bumalik ka na sa pagtulog mo. Kaya ko na 'to," utos ko sa kanya pero nakikita kong gusto niyang manatili para lang bantayan ako at dahil du'n ay mahina akong natawa. "Sanay na ako kaya bumalik ka na sa kwarto mo. Iinom lang ako ng gamot at matutulog ulit."


I was giving her assurance that I could handle it, but to be honest, I couldn't bear living like this anymore. Nabubuhay akong parang may nakasabit na kadena sa mga paa ko at 'yun ang mga nakaraan ko. Kailan ba matatapos ang kalbaryong 'to?


"Kung may kailangan ka, tawagin mo lang ako." Tumango ako habang nakangiti sa kanya. Alam kong nag-aalinlangan siyang lisanin ang silid pero 'yun ang gusto ko at mabuti na lang ay hindi na siya nagpumilit pa.


Nang umalis ito sa kwarto ay nagpakawala ako nang malalim na hininga. Nasapo ko ang noo ko habang tinititigan ang gamot na hawak-hawak ko. Nakatutulong ba talaga sa akin ang gamot na 'to o mas lalo lang akong dinadala nito sa impyerno?

It Was Mariella SiennaWhere stories live. Discover now