Chapter 15

519 27 8
                                    

Chapter 15

"Miss, magiging maayos lang po ba talaga kayo? Kayo lang dito mag-isa sa bahay."


Kaunting bumukas ang mga mata ko para silipin si Aliyah at nakikita ko sa mukha niya ang pag-aalinlangan na umalis. Today wasn't a good day because I'm having terrible period cramps. I couldn't even leave my bed since I feel like every time I walk, my head spins and my legs are weak. It is really a bad day.


"I-I'm going to be okay. Don't worry," nanghihina kong sabi at mariing pumikit nang maramdaman na naman ang sakit.


"Dinalhan kita ng hot compress at saka may mga gamot na din pero bago 'yun kumain ka muna," aniya at panay lang ang tango ko. Wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya kasi 'yung atensyon ko nasa pananakit ng puson ko.


"Tawagan mo na lang ako kapag 'di mo talaga kaya." Hindi nagtagal narinig ko na ang paglabas ni Aliyah ng kwarto ko. Pinatay ko ang aircon at tinakluban ng kumot ang buong katawan ko.


Panay ang pagbuntong-hininga at pagdaing ko sa tuwing kumikirot ang puson ko. Kanina pa din may namumuong luha sa gilid ng mga mata ko dahil sa sakit. Sanay na rin naman ako na laging ganito kada buwan at sa tuwing nangyayare 'to, hindi talaga ako nakakapasok sa opisina.


Hinihintay ko lang na humupa 'yung sakit nang biglang marinig kong may tumatawag sa phone ko. Kahit nanghihina ay pilit kong kinuha ang phone ko at sinagot ang tawag nang hindi tinitingnan kung sino 'yun.


"H-Hello?" My voice broke when I spoke, the reason why I cleared my throat.


"Hi, Sienna. I'm just going to inform you that I'm going to your company today to talk about the supplies on the gadgets." When I heard a man's voice, I peeked on my phone to know who's calling and it was Liam. I was silent for a moment as I reminisced about the time we kissed. I know I should forget that happened, but damn it!


"Si Aliyah na lang 'yung kausapin mo, hindi kasi ako papasok."


"Bakit?" Tanong niya.


"Period cramps... So terrible cramps," I emphasized the feeling and when I felt it once again, I pressed my lips together to stifle myself from groaning.


Mahina tumawa si Liam. "Nagpapabili ka din ba ng fries kapag masakit puson mo?"


"Fuck you, Liam Leonel," I cursed because of irritation and I heard him laugh louder. I whispered things just to calm myself. Kanina lang ang seryoso niya tapos ngayon nang-aasar na. Ang bilis magpalit ng mood.


"Kausapin mo na lang si Aliyah at siya nang bahalang magsabi sa akin," bilin ko at pinatay na ang tawag. Bumalik ako sa pagkakahiga at nakipagtitigan sa kisame.


Nagawa niya pang makipagbiruan sa akin. Ibig sabihin lang nu'n ay nakalimutan niya na kung anong nangyare sa Batangas. Para akong nabunutan ng tinik kasi walang nagbago. Hindi naman kami naging awkward. Pasalamat na lang talaga ako.


Kahit namimilipit pa rin ang puson ko ay bumaba ako patungo sa kusina para uminom ng maligamgam na tubig. Hindi naman puwedeng manatili lang ako sa kama at hindi kumain.

It Was Mariella SiennaWhere stories live. Discover now