Chapter 13

488 24 1
                                    

Chapter 13

"Bad mood yata si Sir Liam. Kanina pa hindi kumikibo 'e."


Nagpintig ang tenga ko dahil sa sinabi ng mga staff na kasama ko. Pati sila nakakapansin na rin sa pananahimik ni Liam. Hindi tuloy nila maiwasang mag-alala at matakot din. Sa tingin kasi nila hindi nila makakasundo si Liam sa ganitong sitwasyon na parang mainit ang ulo nito. Baka mahirapan ang mga staff kong kausapin siya dahil sa itsura pa lang nito ay parang ayaw nitong makipag-usap.


Nakarating na kami sa school kung saan gaganapin ang project. Medyo kailangan lang naming lakarin dahil baka hindi kayanin ng sasakyan namin dahil sa putik at lubak-lubak na daan. Sa pagdating namin ay gano'n pa din ang ekspresyon ni Liam, parang pinagbagsakan ng langit at lupa. Natatakot tuloy ang mga staff ko na kausapin siya.


"Miss..." Tumingin ako kay Aliyah na lumapit sa akin. "Anong sabi ni Sir Liam?" Nakita niya siguro na kinausap ko si Liam pero wala akong mabigay na sagot kung anong problema niya kaya nagkibit-balikat na lang ako.


"Hindi ko alam kung anong problema niya. Sabi niya wala pero alam kong meron," sabi ko. Iniintindi ko na lang pero kasi hindi mag-wowork ang project kung ganito. Pakiramdam ko maiilang ang mga staff ko maging ako na lapitan siya. Hindi naman siya gano'n nung huli kaming nag-usap.


"Paano 'yan, Miss? Baka mahirapan tayo niyan mamaya," nag-aalalang sambit ni Aliyah. Napakamot ako sa batok ko at saglitang sumilip sa gawi ni Liam kung saan siya ang nahuhuli sa paglalakad.


"Ako ng bahala." Tumigil kami sa paglalakad nang marating namin ang entrance gate ng eskwelahan. Sinalubong kami ng principal kasama ang ilang mga teachers.


"Good morning, Ma'am Sienna. Good morning po sa inyo," bati ni Mrs. Baltazar sa akin maging sa mga kasama ko. "Pasok po kayo. Excited na po kayong makilala ng mga bata pati ng anak ng governor."


Nagkatinginan kami ni Aliyah, hindi alam kung sino ang tinutukoy na anak ng governor. Hindi naman kami nasabihan na may iba pang dadalo bukod sa amin. "Mauna na kayong pumasok, Aliyah," utos ko. Hindi ko na kailangan pang magpaliwanag pa sa kanya dahil alam niyang tungkol kay Liam ang aasikasuhin ko.


"Sunod po kayo, Ma'am Sienna." Ngumiti ako sa principal bago sila maglakad papasok ng eskwelahan. Susunod na rin sana si Liam pero hinarang ko ang braso ko para pigilan siya at dahil du'n ay nagtama ang mga kilay niya.


"What? Aren't we supposed to come inside already?" He sounded innocent, but I could still see the bad expression on his face. I blew out a loud sigh and crossed my arms together.


"Liam, natatakot 'yung mga staff ko sa 'yo. Naiilang sila... maging ako," panimula ko. Wala naman sigurong masama kung magsasabi ako dahil para rin naman 'to sa project. Huwag niya lang sana masamain. Nagsasabi lang naman ako bilang kaibigan niya.


"Kung hindi naman pala maayos 'yung pakiramdam mo, dapat hindi mo na pinilit 'yung sarili mong sumama. Huwag mo namang sirain..." Unti-unting humina ang boses ko nang mapagtanto kung anong lumalabas sa bibig ko. Nag-angat ako ng tingin at nakita ang pagpalit ng ekspresyon ni Liam, medyo kumawala na siya sa pagiging galit.

It Was Mariella SiennaWhere stories live. Discover now