Chapter 21

511 21 5
                                    

Chapter 21

"Miss... Gising na. Kakain na po ng almusal."


Nagising ako dahil sa pagkatok ni Aliyah sa pintuan. Kinusot ko ang mga mata ko at unti-unting bumangon sa kama. Inipon ko ang buhok ko sa palad ko at inipitan ito. Nang tumapat ako sa salamin ay pahikab-hikab pa ako. Normal lang ang gising ko pero nang sumagi sa isipan ko kagabi ay parang isang balde ng malamig na tubig ang nagpagising sa akin.


Nanlaki ang mga mata ko nang maalala kung anong nangyare kagabi. Nang sabay-sabay silang bumalik sa isipan ko ay kulang na lang ay malaglag na sa sahig ang panga ko dahil sa pagkabigla. Napahilamos ako sa mga palad ko at nagawang sampalin din ang pisngi.


"Tangina," mahina kong mura habang nakadausdos ang mukha ko sa mga palad ko. Umagang-umaga ay nag-iinit ang mga pisngi ko dahil sa hiya. Ano bang pinaggagagawa ko?!


"Argh!" I exhaled as I reminisced what happened last night. "Ang tanga mo... Ang tanga-tanga mo!" Pabulong kong sigaw at binaon ang mukha ko sa unan para du'n sumigaw. Nakakahiya talaga!


"Miss, may problema ba?" Naging mabilis ang pagkatok ni Aliyah sa pinto nang marinig niya akong sumigaw. Inalis ko ang mukha ko sa pagkakadausdos sa unan.


"A-Ayos lang ako, Aliyah. Tumama lang 'yung paa ko sa table," palusot ko.


"Ay, gano'n ba. Sure ka, ha?" Paninigurado niya na para bang hindi kapani-paniwala ang sinabi ko.


"Oo. Mauna ka na sa baba, susunod ako." Ayokong hintayin niya ako na makalabas ng kwarto dahil mukhang matagal pa akong magkakaroon ng lakas ng loob na harapin si Liam pagkatapos ng mga sinabi ko kagabi.


I just confessed! I already admit my feelings towards him!


After confessing last night, I don't know if I could bear facing him. What should I even do?! I don't have a plan... Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya pagkatapos kong umamin kagabi!


"Shit, shit, shit..." I cursed nonstop as I thought of how I would act in front of him. I bit my nails as I created a plan inside of my mind. Maybe I should just act normal? Act cool, I guess... But how can I do that when I just literally spilled out everything last night?!


My confession wasn't the only thing that concerns me, but also the kiss! We kissed again! How can I recover from that? How can I act normal?!


Malalim akong bumuntong-hininga. Hindi naman puwedeng manatili lang ako dito sa kwarto dahil panigurado akong makakahalata 'yung lalaking 'yun. Kailangan kong kumalma, 'yun muna ang gagawin ko.


Muli akong humarap sa salamin at pinilit ang sarili na kumalma para mawala na ang pamumula ng pisngi ko. Nagklaro ako ng boses at ngumiti.


"Kalma lang tayo. Kalma lang, Sienna," pagmamakaawa ko sa sarili ko at nagtungo na sa pinto. Bago ko pinihit ang doorknob ay muli akong nagpakawala ng malalim na hininga. Nang maging handa na ako ay binuksan ko na ang pinto.


I was about to walk, but then I saw in my peripheral vision a figure of a man leaning his back on the wall with his arms crossed under his chest. I stopped and gulped. Don't tell him it's already him?!

It Was Mariella SiennaWhere stories live. Discover now