Chapter 11

539 29 4
                                    

Chapter 11

It was hard for me to open up myself with someone, fearing that I might get judged or saying that I'm being shallow about the things I'm experiencing, just like my mental health. Sometimes people tend to invalidate a person's feelings. Kapag nag-open up sila o 'di kaya sinasabi nilang depressed sila, ang kadalasang sasabihin ng mga tao ay nasa isip lang nila 'yun, mababaw lang o hindi kaya kulang lang sila sa dasal.


'Yung iba naman sinasabi na may bahay kang maganda, mayaman ka o hindi kaya you're living your life on a silver spoon, and yet you're depressed? That's the thing sometimes. People are neglecting the fact that a person could feel that way. They always have something to say about a person's mental health, saying that they are being shallow, that's why people who are experiencing sadness, they choose to keep it to themselves and struggle in silence, afraid of what people might say to them.


That's why it's a big thing that someone is listening to you without the fear of neglect and invalidation. Malaking bagay kapag may nakinig sa dinadamdam mo at hindi ini-invalidate 'yung nararamdaman mo. Para sa akin malaking comfort na 'yun.


"Saga told me that you ditched the party with Liam last night," sabi ni Valerie kaya natigilan ako sa pag-inom ko ng kape.


Kasalukuyan kaming nasa coffee shop malapit sa building ko. Gusto kasing makipagkita ni Valerie kaya hindi na ako tumanggi.


"So, he saw us..." I uttered.


"What? Is it supposed to be a secret?" Pang-iintriga niya at pinanliitan pa ako ng mga mata. Nakangisi na lang akong umiling dahil alam ko 'yung mga ganoong tingin niya.


"Alam ko na 'yang tingin mo. Kung anumang nabubuo diyan sa isipan mo, itigil mo na." Pinangunahan ko na siya sa iniisip niya. "Let's normalize men being friends with women or women being friends with men without malice."


"So, mag-kaibigan na pala kayo ni Liam?" Hindi talaga siya tumitigil.


"Oo, may masama ba du'n?" Pagbalik ko ng tanong sa kanya at nakita ko siyang umiling.


"Wala naman. It's just that nakakapanibago. Parang nung birthday lang ni Eloise parang ayaw mo sa kanya pati nung nag-double date tayo." Totoo naman 'yung sinabi niya na ayaw ko kay Liam noon. May parte sa akin ang nangangambang kilalanin siya kaya mas pinili kong ayawan na lang.


"He's good naman although sometimes he acts like a kid," sabi ko habang nakangisi pa rin.


"Gano'n talaga 'yun si Liam pero marunong namang magseryoso 'yun. 'Yung pagiging makulit niya, kinaiinisan 'yun ni Saga pero alam ko hinahanap-hanap niya 'yun. Kilala mo naman si Saga, 'di ba? Tahimik, strikto, prim and proper pero kahit gano'n ginugusto niya rin na minsan may nanggugulo sa kanya."


"Kahit hindi na sa iisang bahay nakatira 'yung magkapatid, ikaw naman ang pumalit. Mabuti na lang talaga mahaba 'yung pasensya ni Saga." Umirap ang mga mata ni Valerie at hindi niya nagawang depensahan ang sinabi ko dahil alam niyang totoo 'yun. Sa kanilang dalawa ni Saga, panigurado akong maraming beses sa isang araw sinasabi ni Saga na sana bigyan pa siya ng mahabang pasensya dahil sa kakulitan ni Valerie pero 'yun naman ang nagiging dahilan kung bakit masaya 'yung pagsasamahan nila.

It Was Mariella SiennaWhere stories live. Discover now