Chapter 25

707 31 5
                                    

Chapter 25

"Saan ka nagpunta kagabi?"


Parang magulang si Aliyah. Nasa edad trenta na ako pero kung tratuhin ako para akong bata. Well, hindi ko naman siya masisisi dahil umalis ako nang walang paalam at bumalik na parang walang nangyare. Nang mabalikan kung anong nangyare kagabi ay hindi ko napigilan ang mapangiti habang nagtitipa sa laptop.


"Do you even know how worried I was?" She was walking right and left in my office. "You suddenly went out without even telling me and came home late... Like super late. It was 3am, Sienna! Madaling araw!"


"Would you please calm down? I'm trying to work here," pananaway ko sa kanya dahil nakakaabala na ang ingay niya sa pagtatrabaho ko.


"Hindi. I'm not going to stop until you tell me where did you go—"


"Kay Liam." Hindi ko na siya pinatapos at alam kong sa simpleng sagot ko ay masasagot na nu'n lahat ng tanong sa isipan niya.


"Well, that explains why you came home late..." She mumbled with her hand holding her chin. "But still! It doesn't erase the fact that you left without telling me."


Tumigil ako saglit sa pagtitipa para bigyan siya ng kaunting atensyon. "Aliyah, paalala ko lang, ha. Nasa 30s na ako at mas matanda ako sa 'yo."


"Oh, please. So lame," pagbabatikos niya sa akin. "Don't use your matanda card on me. Kahit magulang mo maiinis din sa ginawa mo. Biglang aalis para lang makita 'yung taong hindi mo pa naman jowa. Kahit label nga wala pa kayo!"


"Ano ba kasing point mo?"


"Ang point ko lang ay umalis ka nang walang paalam," punto niya at hindi ko alam kung saan ko itututok ang atensyon ko, sa mukha niya ba o sa mga kamay niyang panay ang galaw habang nagsasalita.


"Okay." I slammed my hands on my table and exhaled. "Next time, magpapaalam ako, Mama." Diniin ko ang huling salitang binigkas ko dahil 'yun ang naririnig ko sa kanya. Para siyang si Mama kung magsalita 'e mas matanda nga ako sa kanya.


"Huwag mo akong pilosopohin. Ano ba kasing ginawa mo du'n?"


Bumalik ako sa pagtitipa at pilit na binigyang pokus ang gawain ko habang kausap siya. "Hindi ako makatulog, kaya pumunta ako du'n. And I also settled things with him."


"Settled things? Like what?" She keeps digging on what happened, and I guess there's nothing wrong with spoon feeding her with answers.


"About England and..." Panay ang magkabalian kong tingin sa screen ng laptop ko para intindihin ang dokumentong ginagawa ko pati na rin ang pinag-uusapan namin ni Aliyah.


"And?" She was anticipating what's next.


When I'm already back on my track, I started continuing what I'm typing while still trying to engage myself in our conversation. "And what, Sienna?" She asked again.

It Was Mariella SiennaWhere stories live. Discover now