Chapter 32

179 10 7
                                    

Chapter 32

Who would have thought that I could fall in love again?

After years of being lost and out of light, I've finally arrived on the first stop. The rays of sun have touched my skin with delight and I've never felt this warm... It's so new, so uncertain, but good. These feelings... It's breathtaking and ethereal... So strong that I'm so full of joy.

I learned to love again. At sa totoo lang, hindi pa rin ako makapaniwala. Para akong nananaginip.

Sobrang kakaiba... 'Yung tipong gigising kang hindi mabigat 'yung loob mo. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na hindi ko hiniling na sana hindi na bumukas muli ang mga mata ko.

Ewan ko ba. Nakakatawa ring isipin. Paano nangyaring dahil sa isang tao nagbago ang takbo ng buhay ko?

I said yes... I have opened my heart once again. And I hope it will last long.

I pray that this chance will not turn into another heartache... Please.

"Sasabay ka ba sa akin papuntang office, Miss?" Tanong ni Aliyah.

Abala ako sa kusina, naghahanda ng almusal ko. Nang lingunin ko si Aliyah ay nakapang-alis opisina na siya. Mukhang medyo na-late ako ng gising.

"Mauna ka na. Hindi pa ako tapos 'e," sagot ko kaya tumango siya. "Kumain ka na ba?" Nilapag ko ang mga hinanda kong almusal sa lamesa at bumalik ulit ang atensyon sa kalan.

"Yeah..." Umupo si Aliyah at pumalumbabang pinagmasdan ako. Awkward naman akong ngumiti sa kanya.

"Bakit? May problema ba?"

"He's coming here, ano?" Nakangisi niyang pagkwestiyon na dahilan para kumunot ang noo ko.

"Ha? Sino?" I asked, being confused.

"Boyfriend mo," aniya at nang marinig ko 'yun ay parang saglit akong natigilan sa pagluluto ko. Ilang segundo naman ay parang hindi ako mapakali, 'yung mata ko parang nalilito kung anong dapat pagtuunan ng pansin.

Para akong nangangamatis nang marinig ang salitang boyfriend. God! I should not be acting like this!

"I was just assuming... Ang dami mo kasing hinahandang pagkain," paliwanag niya at nakaguhit pa rin sa labi niya ang mapang-asar na ngisi. "Baka mamaya 'di ka pumasok sa trabaho niyan, ha."

I gasped at what she said. "H-Hoy, hindi! Papasok ako."

"Tsk! Wala...Nag-iba ka na. Pumapag-ibig na kasi." Di ko mawari kung nagtatampo ba siya o talagang gusto niya lang akong asarin.

"Papasok nga ako!" Pag-ulit ko na may pagtaas na ng boses. Umagang-umaga nagiging OA ako dahil sa kanya.

I saw her laugh before standing up. She had this face as if she wanted to tease me more just because there's something new in my life.

"Sige na, alis na ako. You two enjoy your breakfast."

Am I that easy to tease now?! Purkit may boyfriend na ako?

When Aliyah left, I shook my head and tried to calm myself down. Kinapa ko ang pisngi ko at ramdam na ramdam ko ang init nu'n. Binaba ko ang spatula at tumungo sa ref para kumuha ng malamig na tubig. Nagsalin ako sa baso at ininom 'yun.

Kailangan kong kumalma. Hindi puwedeng maabutan ako ng lalaking 'yun na para akong isang kamatis.

After drinking cold water, I closed my eyes, then inhaled and exhaled. I don't even get why I have to do this. Really? Inhaling and exhaling to put my senses together?! I've never done this before.

When I finally calmed down, there was a minute of silence where I dozed off then suddenly there's this smile trying to escape from my lips.

I bit my lower lip, trying to stop that, but it was just so hard... My mind was just thinking of him. Matapos ko siyang sagutin nung nakaraan ay parang nag-iba ang set-up ng isipan ko. Argh!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 05 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

It Was Mariella SiennaWhere stories live. Discover now