Chapter 26

329 16 0
                                    

Chapter 26

"Balik na tayo sa school," sabi ni Liam. 'Di ko napigilan ang umirap dahil sa wakas napagpasyahan niya na ring bumalik sa school ni Eloise. Kanina ko pa sinasabi na bumalik na kami dahil baka magtampo si Eloise. Kanina pa namin tapos 'yung pagkain at kanina pa sana kami nakabalik sa school kung hindi niya ako hinila kung saan-saan para kumain nang marami.


"Finally at naisipan mo na ding bumalik. Kanina pa kaya tayo hinahanap ni Val," nauurat kong reklamo sa kanya. Kanina pa kami palakad-lakad! Malayo na siguro kami sa school ni Eloise.


"Anything para ma-solo ka lang." Nakangisi pa siya nang sabihin 'yun kaya nalukot ang mukha ko. Pinitik ko ang noo niya na dahilan para dumaing siya.


"Tigilan mo ako sa pakulo mo. Liam, we've been out for an hour! You keep dragging me to places I don't even know." Kumulo na lang din ang ulo ko dahil masakit na ang paa ko at napapagod na ako. Gusto ko pa namang maglaro pero dahil sa lalaking 'to, naubos na 'yung energy ko. Sa kanya pa lang, ubos na kaagad lakas ko.


"Chill ka lang. Ito na, nandito na tayo oh!" Pagpapakalma niya sa akin at tinuro ang school ni Eloise. Palakad-lakad lang kami tapos biglang andito na kami kaagad. "We took the shortcut."


My eyes rolled because of irritation. "Sometimes I wonder why I like you. Nagpapaligaw ako sa isang isip-bata." Sa pagka-irita ay nauna na akong maglakad sa kanya.


"Huy, wait lang!" Sigaw niya at hinabol ako. Buong-loob pa niya akong inakbayan kaya tinaasan ko siya ng kilay.


"Tanggalin mo nga 'yang braso mo," nauurat kong utos.


"Bilis naman magtampo. Huwag ka na magalit," panunuyo niya pero base sa boses niya ay parang nang-aasar pa siya. Mahina kong kinurot ang tagiliran niya na dahilan para matanggal niya ang braso niya sa balikat ko.


"Bilisan mo na! Maglalaro pa tayo 'e!" Binilisan ko na ang paglakad ko kahit naririnig ko siyang tumatawa sa likuran ko.


Ugh! I'm literally letting a kid court me.


Nang makabalik kami sa court ay kaagad akong nakita ni Val. "Ang tagal niyo naman kumain. Halos mag-dadalawang oras kayong wala," angal niya kaya sumama ang tingin ko kay Liam na ngayo'y nagpipigil na ng tawa niya. Seryoso, ano bang nakakatawa?!


"Siya tanungin mo." Tinuro ko si Liam kaya kumunot ang noo ni Valerie.


Tumungtong naman ako sa bench at tiningnan kung anong nilalaro ng mga tao sa court. Naghahagisan sila ng itlog, kung sino siguro ang pinaka malayo at hindi mabasag ang itlog, yun ang panalo. Nakita ko si Eloise at Saga at kahit malayo sila sa pinaroroonan ko ay kitang-kita ko ang pagiging seryoso nila. Halos lahat yata sila competitive.


"Go, baby! Dahan-dahan lang sa pagbato ng itlog!" Sigaw ni Valerie na mas malakas pa sa tunog ng tambol na nasa tabi ko lang. "Ayusin mo pagsalo, Saga! Malalagot ka sa akin kapag nabasag 'yan!"


Nasapo ko na lang ang noo ko dahil sa ingay ni Valerie habang si Tita Lea ay panay ang tawa. Halatang sanay na sanay na siya sa ingay ni Val na daig pa ang megaphone kung maka-sigaw.

It Was Mariella SiennaWhere stories live. Discover now