Chapter 30

448 24 6
                                    

Chapter 30

"Hey, wake up..."


I heard Liam's voice echoing in my ears. I slightly opened my eyes, just to check if I wasn't dreaming. But no, he's here lying on my bed. Last night, I decided to sleep on the floor and now I wake up lying on my bed.


"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kahit medyo inaantok pa.


"Handa na 'yung almusal mo," aniya sa malambing na boses at naramdaman ko ang paghawi niya sa buhok kong tumatakip sa mukha ko.


"You're not answering my question... Hindi ka ba umuwi?" Maaga akong nakatulong kagabi dahil sa pagod at wala akong ideya kung sinamahan niya ba akong matulog o umuwi siya.


Liam smiled. "I went home last night. Don't worry."


His soft voice soothes me. It felt like I was still dreaming. It's been a long time when I experienced a morning filled with peacefulness. To wake up and see him, it's safe and sound.


"Can I..." I couldn't continue what's in my head because of hesitation, but I saw Liam being attentive and just anticipating on what I'm going to say.


"Gusto ko lang ng yakap."


I feel like hugging him the moment he woke me up. Sounding demanding, but I just need that from him.


Pumagilid siya ng higa at nilusot ang braso niya para magsilbing unan ko. Pinulupot niya ang mga braso niya sa balikat ko para yakapin ako. Hindi na ako nakatiis na yakapin din siya.


I buried my head on his chest and his scent just pervaded my nose. His warmth slowly cupped my cold body and it felt good.


"I don't want you to do things for me... But thank you." Matagal akong umasa sa sarili ko. Nasanay akong laging nagsasarili hanggat kaya ko. Pero nung nakatanggap ako ng pag-aalaga galing kay Liam ay nanibago ako. Parang gusto kong tanggihan 'yun dahil ayokong masanay na umasa sa kanya.


"Kaya ko namang magbigay, Sienna... Para sa 'yo."


"Pero, huwag mo kalimutan sarili mo. Magtira ka para sa 'yo," dugtong ko sa sinabi niya. Hindi ko naman pinagkakait o inaagaw ang buong atensyon niya. Ang gusto ko lang ay mabalanse niya.


Ako ang unang humiwalay sa pagkakayakap sa kanya. Umupo ako at sumandal sa headboard ng kama. "Halika, kain na tayo ng almusal. Papasok pa ako."


He tilted his head. "What if huwag muna?"


I hissed because of his idea. Hindi na nga kami pumasok kahapon tapos 'di pa kami papasok ngayon. Hindi naman puwede 'yun.


Umalis ako sa kama at inipitan ang buhok ko. "Tumayo ka na diyan. 'Di puwedeng hindi ka papasok."


Mahina siyang tumawa. Nang lumabas ako ng kwarto ay sumunod siya kaagad sa akin hanggang sa makababa kami papuntang kusina. Simpleng almusal ang hinanda niya pero nagawa nu'n na mapangiti ako.

It Was Mariella SiennaWhere stories live. Discover now