Chapter 18

605 25 8
                                    

Chapter 18

Messy. That's the word I could describe on how my mind is working. Literally a mess. Halos hindi na ako pinatulog ng isipan ko. Pikit ang mga mata ko pero wala namang tigil sa pagtakbo ang isipan ko. I was frustrated, silently, until the sun rose.


I blew a hard sigh and put my hand on my forehead. My mind is unstable after what happened last night. I feel like my thoughts were entangled... This isn't me. I can't even think of how I should act in front of him without his family being suspicious. I don't want to ruin their vacation because of someone's confession last night.


Ano bang gagawin ko?


Isip ako nang isip ng paraan nang biglang nag-ring 'yung phone ko. Kinuha ko 'yun sa lamesa at nakitang si Aliyah 'yung tumatawag. Hindi ako nag-alinlangang sagutin siya.


"Hello, Aliyah," panimula ko.


"Good morning, Miss. How's your vacation going?" Tanong niya.


Muli kong nasapo ang noo ko at pinadaan ang mga daliri sa buhok. "Everything's fine. Nag-eenjoy naman ako," sagot ko kahit may parte du'n ay nagsisinungaling ako. "Kumusta naman diyan?"


"About that, Miss..." Huminto si Aliyah sa pagsasalita na para bang naghahanap siya ng buwelo. Mas lalo tuloy akong nagtaka.


"Why? May nangyare ba habang wala ako?"


Aliyah sighed. "Miss, the orphanage got caught on fire."


Nung sinabi 'yun ni Aliyah ay saglitan akong nawalan ng imik, sinusubukan iproseso 'yung sinabi niya. Umiling ako at napahawak sa sentido ko.


"'Yung mga bata, kumusta sila? Nasaan sila ngayon?" Hindi na ako mapakali. Panay ang lakad ko sa kwarto. Unang pumasok sa isipan ko kung kumusta 'yung mga bata.


"They are all fine. For now, they are staying at your rest house. Is that okay with you?"


"Yes, of course. Ang mahalaga may masisilungan 'yung mga bata," nag-aalalang sabi ko. "Don't worry, mauuna na akong uuwi. Didiretso na ako ng rest house."


I have no hesitation when it comes to kids. Just imagining their fears last night makes me weak. I want to be there for them in their lowest times. I also experienced my house before getting burned and it was devastating.


"Miss, hindi na po kailangan—"


"I'm going, Aliyah. It's the kids we are talking about here. 'Yung bahay ampunan, 'yun 'yung tinuturing nilang tahanan. At ngayon na nasunog 'yun, gusto ko andiyan ako kasama 'yung mga bata kasi nasunugan na rin ako noon. Kung sa akin nakakapanlumo 'yun, paano pa kaya sa kanila?"


"Okay, Miss. Sasabihan ko na lang din sila sister."


Nang matapos ang tawag namin ay nagsimula na akong ayusin ang mga gamit ko. Pagkatapos ay dumiretso ako sa cottage ni Tita Lea. Kumatok ako at hindi naman nagtagal bago niya buksan ang pinto.

It Was Mariella SiennaWhere stories live. Discover now