Chapter 04

1.1K 52 10
                                    

Chapter 04

Nawalan ako ng imik nang umalingawngaw ang mga sinabi ni Liam sa tenga ko. Nag-iisip ako ng salitang kokontra sa sinabi niya pero hindi magawa ng isipan kong bumuo ng pangungusap. Wala akong naging palag... Nanatiling tikom ang bibig ko habang tinititigan siya, sinusubukang basahin kung may halo bang pagsisinungaling ang mga narinig ko sa kanya. Nang mapagtantong masyado nang lumalalim ang tingin ko ay pinutol ko ang pagtititigan namin.


"Balik na ako sa loob, nilalamig na ako," malamig kong sabi. Nang makalayo sa kanya ay mabilis na kumurap ang mga mata ko. Bumalik lang sa tama ang diwa ko nang makaalis sa sitwasyon na kinalalagyan ko kanina. Bago ako maglakad ay sumilip ang mga mata ko kay Liam at nakita kong nasa dagat ang atensyon niya.


I really should be careful... Muntikan na ako du'n.


"Buti na lang napapayag kita. Huwag kang mag-alala, last na talaga 'to," Si Valerie.


Mahina akong natawa kasunod ay hindi napigilan ang umirap. Hindi niya ako maloloko. Alam kong may susunod pa dito pero ito na talaga ang huling beses na pagbibigyan ko siya. Hindi ko naman kasi hilig ang double date. Simula nung naging negosyante ako ay mailap na ako sa mga lalaki. Sa tuwing may lalapit naman ay kaagad akong gagawa ng paraan para palayuin sila pero kakaiba ang nangyare ngayon. Nag-iba ang ihip ng hangin.


"Tigilan mo ako. Hindi mo nga sinabi sa akin na si Liam pala 'yung date ko. Sa susunod na maisipan mong humingi ng pabor sa akin, alam mo na kaagad ang magiging sagot ko, ha? Labas na ako sa mga kalokohan mo."


Siniko niya ako at mapang-asar na ngumiti sa akin. "Pero aminin mo, nag-enjoy ka kasama si Liam, ano?"


Sa tanong niya ay bumalik sa isipan ko ang mga salitang narinig ko galing kay Liam kanina. Ang akala ko gagawin niya ang ginawa ng mga ilang lalaki na nakilala ko pero hindi. Bago pa siya pumunta sa date na 'to ay alam niya na ang nakaraan ko. Sa kabila nu'n ay hindi siya humindi sa date kahit alam niyang ako ang makakasama niya. Wala akong narinig na masama galing sa kanya o kahit problema, bagkus ay parang ako pa ang may problema.


"Nag-enjoy ka nga. Sabihin mo, thank you, master," pang-aasar ni Val. Akmang kukurutin ko siya sa tagiliran pero kaagad siyang lumayo sa akin at dumila pa. Paglayo niya sa akin ay dumating ang magkapatid. Hinigit ni Saga si Val palapit sa kanya kaya awkward akong ngumiti pero biglang napunta ang tingin ko kay Liam, dahilan para muli na namang magtagpo ang tingin namin.


I was dazed for a moment while the wind was blowing to his face. Well, at first impression, I thought he's a jerk because of the way he dresses and also the way he presents himself is different from Saga.


"Hindi pa ba kayo uuwi?" Tanong ko sa kanila.


"Baliw, hindi ka namin puwedeng iwan dito. Hindi ba nagpasundo ka?" Sinabihan ko nga pala si Aliyah na magsasabi ako kapag magpapasundo na ako pero hindi ko pa siya tinatawagan.


"Puwede na rin naman kayong mauna. Maghihintay na lang ako dito," sabi ko.


"Hindi, hatid na lang kita sa inyo. Ang pangit naman kung ako nakauwi na pero 'yung ka-date ko hindi pa." Liam stepped in the conversation and when he spoke, I got alarmed. I tried to maintain eye contact with him, for him not to think that I'm not being intimidated by his presence.

It Was Mariella SiennaWhere stories live. Discover now