Prologue

27 3 0
                                    

PH Airways flight 224 to Vancouver is now ready for boarding, with all the passengers for this flight proceed to gate 21.


Nang marinig ko na ang announcement, tumayo na ako at kinuha ang bag ko. Habang naglalakad ako papuntang gate ay biglang may tumawag sa pangalan ko.


Boses pa lang niya, alam ko na kung sino 'yon. Hindi pa man ako humaharap, alam na ng puso ko kung kaninong boses 'yon. Pumikit man ako, alam ko pa din kung sino 'yon. Kaya nga gusto ko nang umalis dito para makapagsimula muli. 


Ayaw kong humarap, ayaw kong makita pa ulit siya, ayaw kong marinig kung ano pang mga paliwanag niya. Hindi pa ba sapat 'yung mga sinabi niya para umalis ako? 


Gustuhin ko man na maglakad na papalayo, itong mga paa ko naglakad papunta kung na saan siya. 


"Ano pa bang kailangan mo?" naiirita kong sambit sa kaniya. 


"Sasama ako." mariin niyang banggit sa akin. Dahilan para mapatingin ako sa kaniya.


"Bakit? At para saan pa? Hindi mo ba nakikita na ayaw ko na, gusto ko nang umalis. Sana hindi ka na lang nagpakita sa akin ulit, diba?" Naiiyak kong sabi sa kaniya. Nanginginig ang kamay ko na nakahawak sa bag.


"Gusto ko lang na samahan ka, umaasang mag-iiba yung desisyon mo para sa ating dalawa." he softly whispered.


"At paano kung hindi na talaga, hindi na talaga magbago 'yung desisyon ko?" Tinignan ko siya sa kaniyang mga mata.


Mga matang huli na akong nakita. 


"Titigil na ako. Babalik ako dito sa Pilipinas kung hindi ko na talaga mababago 'yang desisyon mo. Hindi kita pipilitin kasi ayaw mong pinipilit ka sa ayaw mo, Thalia." Nakita kong ngumiti siya ngunit iba naman ang ipinapahiwatig ng kaniyang mga mata, lungkot.


"Hinding-hindi mo na mababago kung ano man ang naging desisyon ko. Being with you always reminds me of Dad, nasusuka ako kapag naaalala ko 'yon. Ayaw ko na. Please, let me go na." Nagmamakaawa na ako sa kaniya.


This is the last call for passengers travelling to Vancouver on PH Airways flight 224, due to leave at 4:40  will any remaining passengers, please go immediately to gate 21, where the flight is now closing.


Hindi pala namin napansin na kanina pa kami dito at iyon na ang last call sa flight ko.


"Okay, sige." Napatingin ako sa kaniya. 


"Palagi mong ingatan ang sarili mo. Make new friends, Thalia. I'll look after your Mom and sa kapatid mo. Don't worry hindi nakita aabalahin pa. Mag-iingat ka lang." Tumango lang ako sa kaniya.


Nang matapos 'yon ay tumalikod na ako at naglakad papuntang gate ko. Hindi ko alam pero nagpapasalamat pa din ako kasi kahit papaano ay hindi nagbabago yung pakikitungo niya sa pamilya ko. 


"Thalia!" napalingon muli ako sa kaniya. Ngunit ngayon, nakita kong lumuluha na siya.


"Alam kong ilang ulit ko nang sinasabi sayo ito, sorry. Sorry kasi huli na noong nalaman ko lahat ng nararamdaman mo. Sorry kasi binitawan na lang kita. Sorry kasi hindi ko natupad 'yung pangako ko sayo na hihintayin kitang makapagtapos para hingin ko ang kamay mo sa magulang mo para manligaw at sorry kung hindi kita nahintay katulad nang sinabi ko sayo."


 Pagkatapos niyang masabi ang lahat nang iyon, tumalikod lang ako at naglakad na papalayo. 


---

DISCLAIMER:

This is a work of fiction. All the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead or actual events is purely coincidental.


Also, please be advised that this story contains, Trigger Warnings, Sensitive Content and Strong Language that are not suitable for young audiences. 



Certainty To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon