Napangiti ako habang hawak ito. Hindi namin napansin ang tingin ng mga tao sa paligid namin, lalo na si Sean.
Ilang araw na ang nakalilipas noong natapos ang aming field trip, nagkaroon naman kami ng Halloween party noong October, wala noon sila Marcus. Noong November naman, wala masyadong event at puro aral lang din kami. Dumating ang buwan ng December at dito kami nae-excited dahil malapit na ang Christmas Party namin.
"Okay, so magbubunutan tayo tapos mayroon akong inihandang cartolina, dito kayo magsusulat ng wishlist niyo so kung sino man makabunot sa inyo kailangan tuparin ang nasa wishlist niyo, okay?" paliwanag sa amin ng teacher namin.
Tumango naman kaming lahat at excited na para bumunot. By alphabetical order ito, letter V pa ako kaya panghuli pa.
Nang ako na ang sumunod, nabunot ko si Sean. Hindi pa kami ganoon ka-close ni Sean pero noong field trip, nakilala ko naman siya kahit papaano.
Sumunod naman ay isa-isa kaming pinasulat sa cartolina kung anong gusto namin. Heto ako, huli na naman. Noong ako na ang sumunod, sinulat ko lang na gusto ng t-shirt.
Maingay na sa buong classroom dahil ang iba nagsasabihan na kung sino ang nabunot nila, 'yung iba naman ay naghuhulaan kung sino ang nabunot at nakabunot sa kanila.
Recess time na namin ngayon at palihim akong pumunta kung saan nakadikit ang cartolina. Hinanap ko agad kung nasaan ang pangalan ni Sean nang biglang may naglagay ng kamay niya sa mga mata ko. Hindi ko suot ngayon ang salamin ko.
"Hoy kung sino ka man tanggalin mo 'yan!" sigaw ko pero tawa lang ang naririnig ko.
Ay kilala ko 'yung tawa na 'yon.
"Kilala kita, tanggalin mo na 'yan, Marcus." naramdaman kong tinanggal naman niya ang kaniyang mga kamay kaya naman lumingon ako sa kaniya.
"Kilala ko kung sino nabunot mo!" sabi niya at biglang napahagik-gik.
"Weh, talaga ba? Sige nga sino?" tanong ko pa.
"Ako 'yung nabunot mo 'no?" tumayo siya na para bang ang yabang.
"Hoy hindi ikaw at hindi ko sasabihin kung sino. Manigas ka." tumalikod na ako at naglakad papalabas ng classroom.
"Weh, napakadaya mo sumbong kita kay mama." sigaw pa niya.
Dumating na ang araw ng Christmas Party namin. Maraming pagkain ang nakahanda, mayroong gulaman, leche flan, pizza, spaghetti, pancit malabon, shanghai, ice cream at kung ano-ano pa.
May mga nakaassign kasi sa amin na dadalhin namin. Ang dinala ko ay palabok at softdrinks.
Nag-umpisa na ang mini program namin dito sa loob lamang ng classroom. Nagpray muna kami bago magsimula, nang magsimula na ay puro palaro ang ginawa namin. Nakakapagod pero masaya.
Nang magsikainan kami ay nagsipila muna kami para hindi magulo sa pagkuha. Ang kinuha ko lang ay shanghai, pizza at spaghetti lang. Hindi ako kumakain ng palabok kahit ako ang nagdala. Hindi ko alam pero ang weird ng lasa ng palabok para sa akin.
"Ayaw mo ng dinala ko?" Nagulat ako kasi biglang tumabi sa akin si Marcus.
"Ay alin ba 'yung dinala mo?" tanong ko sa kaniya habang ngumunguya ng shanghai.
"Yung apat na tub ng ice cream." sabay turo niya.
"Wait kukuha ak-" patayo na sana ako nang biglang nagsalita si Sean tumayo.
BINABASA MO ANG
Certainty To You
Teen FictionSa mundong ito lahat ng bagay ay walang katiyakan. 'Yan ang palaging sinasabi ni Thalia sa sarili niya simula pa noong nalaman niya ang tinatagong lihim ng magulang niya. Para sa kaniya, mas nanaisin niyang mamuhay na lamang mag-isa hindi katulad sa...