CHAPTER 6

7 1 0
                                    

Nang matapos 'yung tagpo namin ni Sean doon ay nakasalubong ko si Marcus. Hindi naman siya nag hi or kung ano man. Hindi rin siya tumigil sa harap ko, derecho lang siyang naglakad na para bang wala ako roon.


This is the last event daw ngayong year. From Grade 4-6 ay kailangan magpresent ng kaniya-kaniyang dish and kailangan din daw namin magpresent ng jingle. Ngayon ay yung araw na 'yon.


"Thalia, naayos niyo na 'yung music kay Kuya Bernie?" tanong sa akin ng isa kong kaklase.


Ako at si Shantal kasi ang nakatoka sa music. Si Kuya Bernie ay isa sa mga tauhan dito sa school faculty.


"Oo, naibigay na namin. After daw magperform ng Grade 4, tayo naman kay magready na kayo." sabi ko at pumunta sa may booth namin kung saan doon kami magluluto.


Nakita ko si Marcus, nakaupo sa bleachers at kumakain ng ice pop. Lumapit ako sa kaniya dahil ilang araw na rin niya akong hindi pinapansin sila nung nagturn-over ceremony.


"Uy, ginagawa mo rito? Nandun silang lahat." halatang nagulat siya. Umupo ako sa tabi niya.


"Uy! Nandiyan ka pala. Wala naman, napagod kasi ako magassemble ng table." sabi niya habang nanguya.


"Bakit hindi mo ako pinapansin nung mga nakaraang linggo? Galit ka ba?" tanong ko sa kaniya. Mukhang nagulat siya sa tanong ko kaya napabilis ang pagkain niya ng ice pop.


"Hindi naman." ayun lang ang nasabi niya.



Nagsimula na ang mini program. Nagumpisa ulit ito sa prayer tapos konting introduction about sa mini event. Nagsimula na rin ang pagperform ng Grade 4, nasa gilid kami ng stage kaya kitang-kita namin ang performance nila. Balita ko nga nag-hire pa sila ng choreographer para lang dito kaya galit mga kaklase ko sa kanila.


"Thank you Grade 4 for the wonderful performance. Let's now welcome, Grade 5!" 


Nang tawagin kami ay isa-isa kaming umakyat sa stage. Nasa harapan ang mga judges, tatlo lang sila. Sila rin ang titikim ng mga niluto namin mamaya. 


Nag-umpisa na kaming sumayaw. May mga ngiti sa mukha namin kahit mukhang kinakabahan kami. Nakasuot lang kami ng civilian kasi may event naman kaya pinayagan kami. Nakasuot ako ng white shirt na mga ribbon sa baba, black leggings at black and red high cut na shoes.


Sa unang formation namin ay katabi ko si Sean. Nakasuot naman siya ng blue t-shirt at P.E pants. 


Nang matapos ang performance namin, sumunod naman ang Grade 6. Nakasalubong ko pagbaba ng stage si Kuya William.


"Good luck, Kuya!" sabi ko sa kaniya at nakipag-apir.



Nang makapunta kami sa booth namin ay nag-umpisa na kaming maglabas ng ingredients. Napalingon ako sa kaliwa ko at nakita kong nakatingin sa akin si Marcus kaya naman nginitian ko lang siya.

Certainty To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon