CHAPTER 5

10 1 0
                                    

Pero nasanay na rin naman ako.


"Congrats, Thalia!" bati sa akin ng mama ni Marcus.


"Thank you po!" pasalamat ko naman.


Kakatapos lang ng ceremony at puro estudyante na nagpapapicture sa may stage. Nagkalat ang mga estudyante sa buong court. Lumingon ako sa kanan ko at nakita kong nag-uusap si Mommy at mama ni Marcus.


"Uy, Thalia! Congrats sa atin! Magja-jollibee kami mamaya, gusto niyong sumama?" tanong sa akin ni Shantal. Nakasuot din siya ng uniform at nakasabit sa kaniya ang isang medal.


"Hindi muna, Shantal. May lakad din kami eh. Next time na lang ha. Congrats din!" paalam ko kay Shantal dahil tinatawag na ako ni Mommy.


Habang naglalakad ako sa gawi nila Mommy ay naroon din sila Marcus. 


"Congrats, Thalia! Grade 4 na tayo hehe." bati sa akin ni Marcus. Nakangiti siya at hawak niya ang medal niya habang nasa bibig niya ang lollipop. Nilalagyan din siya ng bimpo sa likod ng mama niya.


"Tara na, Thalia? Una na kami ha." paalam naman ni Mommy sa pamilya ni Marcus.


Kumaway naman ako at ganoon din si Marcus. Sabi ni Mommy, pupunta kaming mall ngayon at maglalaro sa arcade.


Habang nada-drive si Mommy, kausap ko naman ngayon si Daddy. Si Ivan at ako ay nasa backseat ngayon.


Nagsorry si Daddy dahil hindi raw siya nakapunta at babawi na lang daw siya pag-uwi niya. Sinabi ko lang naman na okay lang 'yon at walang problema sa akin dahil para rin naman sa amin 'yung ginagawa niya.


At nakarating na kami sa mall. Naglaro, kumain at nagshopping ng kaunti. Ganoon lang ang nangyari sa araw na 'yun.


Fastforward ng Grade 4 namin, wala naman kaming maraming events. Nakakapanibago nga dahil ang kaunti lang ng event, hindi katulad noong Grade 3 ako.  


I'm now Grade 5 and it's already February... Lahat ng nasa Grade 3 and 4 ito ang pinakahinihintay, ang Turn-over Ceremony. Itong event na ito kasi exclusive for Grade 5 and 6 lang, walang ganitong event sa mga lower grade. 


Ngayon ang first day namin para sa practice ng Turn-over Ceremony. Tuwang-tuwa ang lahat at karamihan sa aming grade ay naeexcite dahil ito ang kauna-unahang event namin na ganito. Ang mga Grade 6 naman ay mukhang excited din pero hindi tulad ng sa amin.


"Kailangan niyong pumila according sa height niyo. Grade 5, hiwalay ang pila ng babae sa lalaki, ganun din sa inyo Grade 6." sabi ng instructor namin.


Balita ko ay may 2 types ng dance ang gagawin namin. 'Yung una ay Cotillion dance at DisCotillion dance. 


"Sana maayos maging partner ko, kinakabahan ako kasi hindi pala tayo magkakasama. Sample, pwedeng ang makapartner ko ay taga Grade 6. Wala pa naman ako masyadong kakilala sa Grade 6 maliban kay Kuya William." Sabi ko kay Shantal. Nasa likod ko kasi si Shantal since mas matangkad siya sa akin.

Certainty To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon