Happy Valentine's Day to my constant crush. Same time and different place next year?
Nakatitig lamang ako dito sa bulaklak na aking hawak at iniisip ko kung sino ba talaga ang may bigay nito. May ganito rin akong natanggap Valentine's Day last year pero ibang tao ang nagbigay sa akin. Taga rito rin sa school namin ang nagbigay pero pinabibigay din daw.
Last year, hindi ko naman pinansin ito. Pero ngayong araw na ito, gusto kong malaman kung sino. Natin, ibig sabihin, malapit ito sa akin katulad ng pagkakasabi ni Shan.
"Thalia, tara na sa stage." tawag sa akin ni Christian.
Kaya naman ay dala-dala ko itong bulaklak hanggang sa stage. Pagkatapak namin ay sinalubong kami ng napakaraming students na naghihiyawan. Todo ngiti naman kami dahil ang ilan sa mga ito ay kasama ang kanilang barkada at ang iba ay ang kanilang jowa.
Ipinatong ko muna ang bulaklak sa may upuan doon sa gilid ng stage kung saan kami tatambay kapag may magpe-perform na.
Bago magsimula ang program ay inumpisahan muna ito ng isang prayer at pag-awit ng Lupang Hinirang.
"Magandang Umaga sa inyong lahat!" ang taas ng energy ni Pres.
"At Happy Valentine's Day din sa inyong lahat. Ating alalahanin ang bawat sandali na kasama natin ngayong araw ang ating mahal sa buhay." pagsasalita pa ni Pres.
"Alalahanin natin na ang Valentine's Day ay hindi lamang para sa magjo-jowa kung hindi pati na rin sa ating pamilya, kaibigan, teachers, doctors, at sa iba pa. Kung mag-isa ka lang na nagdiriwang ng araw ng mga puso ay okay lang! Dahil may tinatawag tayong self-love. Mahalin mo rin ang sarili mo katulad ng pagbibigay mo ng pagmamahal sa iba." pagsasalita ko naman.
Narinig kong naghiyawan ang mga students na siguro'y walang kasintahan kaya napangiti lalo ako.
"Ngayon, may mga gagawin tayo. First, we will read some emails. Someone students here ay siguro nagsulat at nagsend ng email sa amin para sa confession." sabi ni Pres.
"We asked permission to these people na babasahin namin ang kanilang confession. Actually, you can write to someone via emails or handwritten letter and we will send it to the person an gustong padalhan ni sender." dagdag ko pa.
Dumating si Christian na may dalang medyo malaking box na naglalaman ng mga sulat nila.
"So bubunot muna kami rito ng papel at babasahin namin para sa inyo. Again, we asked permission sa mga may-ari nitong mga papel na nandito." sabi ko.
Nagsimulang i-shuffle ni Christian ang mga papel na nasa loob ng box. Nakita ko naman na anticipated lahat ng tao rito sa event.
"We're going to say lang 'yung name kung kanino ito ipapadala, not who sent it to us." sabi ko pa.
"So ang unang papel ay para kay Johanna." sabi ni Pres.
BINABASA MO ANG
Certainty To You
Teen FictionSa mundong ito lahat ng bagay ay walang katiyakan. 'Yan ang palaging sinasabi ni Thalia sa sarili niya simula pa noong nalaman niya ang tinatagong lihim ng magulang niya. Para sa kaniya, mas nanaisin niyang mamuhay na lamang mag-isa hindi katulad sa...