"Gising na, anak." malumanay na sabi sa akin ni Mommy.
Uminat lang ako at tumayo na din. Ngunit napatulala ako sa kawalan dahil iniisip ko ngayon na papasok na ako sa bago kong paaralan. Iniisip ko kung mangyayari ba ulit 'yung nangyari sa akin sa dati kong school. Sana naman hindi.
Pagkatayo ko ay iniligpit ko na din 'yung higaan ko at pumunta na sa kusina. Nakita ko si Mommy na inaayos ang lunch bag ko at may dalawang pinggan na nakahain sa hapag.
"Nasaan po pala si Ivan?" Tanong ko kay Mommy habang papaupo na din ako.
"Tulog pa yata. Maya-maya ko siya puntahan, ikaw na muna ang kumain jan, ha" Ngiti ni Mommy habang sinuklay ang buhok ko.
Nag-umpisa na akong kumain. Mayroong bacon, hotdog at scrambled egg. Kaunti lang ang kinuha kong kainin since hindi talaga ako mahilig kumain ng kanin tuwing umaga. May fresh milk din na inihanda si Mommy.
"Mom, tapos na po ako. Aakyat na po ako para maligo tapos mag-aayos na din ako ng sarili ko." Tumingin sa akin si Mommy at tumango.
Pag-akyat ko ay nag-umpisa na akong maligo. 7:00 AM pa naman ang pasok ko pero baka biglang dumaan ang service kaya hindi dapat pabagal-bagal.
Tinuruan kasi kami ni Daddy na hindi pabagal-bagal sa pagkilos lalo na kapag may lakad. Na kailangan daw bago pa dumating ang service ay dapat naka-prepare na daw kami.
Isang sundalo si Daddy, Philippine Marine. 'Yan din ang dahilan kung bakit palagi din siyang wala dito sa bahay.
5:45 AM na ako nang matapos akong maligo. Pagkalabas ko sa C.R ay nag-aantay si Mommy sa akin dahil bibihisan pa niya ako. Nakita kong nakasabit ang uniform ko sa may rack.
"Halika ka na dito para si Ivan naman 'yung bibihisan ko." Pagtawag sa akin ni Mommy.
Lumapit ako sa kaniya at nilagyan niya muna ako ng pulbo sa likod. Pagkabihis ko ng inner wear ko ay binihisan niya na ako ng uniform at nilagyan ng towel sa likod.
"Ito may panyo akong binili sayo, 'wag mong iwawala ito. Ang dami mong panyo na nawala." Pagbilin sa akin ni Mommy.
Tumango lang ako at ako na ang nagsuot ng socks at ang school shoes ko. Pagkatapos ay sinuklayan na ni Mommy ang buhok ko at naglagay na din ng perfume.
"Maayos na ba ang gamit mo? I-check mo na lang uli, anak. Puntahan ko naman si Ivan baka kasi nalaglag na 'yun sa higaan" Tumawa si Mommy after niyang sabihin iyon.
Tinignan ko naman 'yung trolley bag ko kung lahat ba ng school supplies ko ay nakaayos na ba. May pang Grade 3 na paper at pencil, crayons at kung ano-ano pang kailangan ko para sa school.
Nang makita kong maayos na ang lahat ay bumaba na ako. Nakita ko naman si Mommy na naglilinis ng living room at mukhang tulog pa ang kapatid ko.
BINABASA MO ANG
Certainty To You
Teen FictionSa mundong ito lahat ng bagay ay walang katiyakan. 'Yan ang palaging sinasabi ni Thalia sa sarili niya simula pa noong nalaman niya ang tinatagong lihim ng magulang niya. Para sa kaniya, mas nanaisin niyang mamuhay na lamang mag-isa hindi katulad sa...