Napatingin ako sa gawi nila Marcus, nakatingin sa akin... walang emosyon sa mukha...
March na, at nalalapit na ang graduation namin. Actually nag-eensayo na kami para sa graduation ceremony sa nalalapit na March 26. Sa totoo lang, kinakabahan ako at natatakot din. Baka kasi hindi umattend si Daddy, baka sabihin niya may trabaho siya.
"Uy, Thalia! Gusto mo Frutos? Nagbebenta kasi sila kuya Eric ng tig-iisang plastic ng Frutos." nagulat ako kay Marcus dahil muntikan niyang mahampas sa mukha ko ang dalawang supot ng plastic na puno ng Frutos.
Kinuha ko ito sa kaniya at umupo kami sa may bench malapit sa playground.
"Salamat sa pa-Frutos, Marcus. Grabe! Napakasarap nung violet na Frutos hehe." sabi ko kay Marcus habang ngumunguya ng Frutos.
Napansin kong nakatingin lang sa'kin si Marcus habang nakangiti.
"Bakit? Ibig kong sabihin bakit ka nakatingin? Gusto mo rin ba nitong violet na Frutos?" tanong ko sa kaniya at kumuha ako ng apat na violet na Frutos at inabot ito sa kaniya.
Umiling lang si Marcus at tumakbo papunta sa mga kaibigan niya habang ako, heto ngumunguya pa rin ng Frutos.
Mabilis lang ang mga nakaraang araw at ngayon na ang araw ng graduation namin. Mixed emotions ang nararamdaman ko ngayon. May halong kaba, takot at saya.
Kaba dahil may chapter na naman ng buhay ko na kailangan na itong isara dahil may panibagong magbubukas. Takot dahil mapapahiwalay na ako sa mga classmate ko simula noong Grade 3 ako, at saya dahil may bagong chapter ng buhay ko ang magbubukas. Ibig sabihin may mga bagong tao akong makikilala.
Dahil unti-unti na akong pumapasok sa tunay na mundo.
"Darating po ba si Daddy?" tanong ko kay Mommy.
Dahil hanggang ngayon, wala pa rin si Daddy.
"Oo naman, anak. Baka na-traffic lang 'yun." sabi ni Mommy habang sinusuklayan ang buhok ko.
Nakarating na kami sa school at maraming tao. Kaniya-kaniya silang picture kung saan-saan. Pansin ko rin na buo ang bawat pamilyang narito ngayon.
"Nasaan kaya si Daddy?" Tanong ko muli kay Mommy.
"Paparating na 'yun. 'Wag kang mag-alala." Sabi ni Mommy habang haplos ang aking buhok.
Naglakad-lakad muna ako dahil hinahanap ko ang aking mga kaibigan nang bigla akong tawagin ni Marcus.
"Hi." Bati sa akin ni Marcus. Nakasuot lang siya ng aming daily uniform tapos hawak-hawak niya pa ang kaniyang toga.
"Hello, Marcus." nginitian ko lang siya at kumaway ako sa mama niyang nasa likod ng bench.
BINABASA MO ANG
Certainty To You
Teen FictionSa mundong ito lahat ng bagay ay walang katiyakan. 'Yan ang palaging sinasabi ni Thalia sa sarili niya simula pa noong nalaman niya ang tinatagong lihim ng magulang niya. Para sa kaniya, mas nanaisin niyang mamuhay na lamang mag-isa hindi katulad sa...