NANG makarating kami sa mall, nauna na ako kay Marcus dahil nagpa-park pa siya. Nag-iisip na rin ako kung anong magandang regalo para kay Peach. Matagal ko na ring kaibigan si Peach, Elementary pa lang. Hindi naman kami gaano ka-close katulad ni Shan pero may pinagsamahan din kami.
"Saan muna tayo?" napatingin ako sa harap ko nang dumating na si Marcus.
Ang pansin ko lang kay Marcus ay wala siyang dalang bag palagi. Maliban syempre kapag papasok ng school, pero 'yung tipong mag-gagala kayo or what, hindi siya nagdadala kaya hawak niya tuloy 'yung phone, wallet, alcohol, fresh mint na Tictac at 'yung kaniyang key fobs. Pero for sure isasabit din naman niya 'yun sa pants niya.
"Pwedeng palagay sa bag mo?" tanong niya pa.
Tumango na lang ako at kinuha 'yun sa kamay niya. Nang magsimula na kami maglakad sa loob ng mall, napansin kong nakatingin sa kaniya 'yung ibang babae na nakakasalubong namin. Matangkad talaga si Marcus, Grade 12 pa lang siya pero feeling ko 'yung height niya mga nasa 6'0 siguro. 5'5 lang ako eh.
"So saan muna tayo?" tanong niya ulit.
"Anong bang naisip mong iregalo kay Peach?" tanong ko naman sa kaniya habang nag-scroll pa rin ako sa phone ko ng pwedeng iregalo sa magde-debut.
"Baka perfume na lang siguro or kaya wallet." sagot naman niya.
"Hindi ako makahanap ng-" hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong hilahin papalapit sa kaniya.
Nang umangat ako ng tingin, nakita kong may poste pala sa harap ko.
"Be careful. You shouldn't use your phone while walking. Let's go muna sa Subway, eat muna tayo habang naghahanap ka ng gift." he said.
Nang bitawan niya 'yung palapulsuhan ko saka ko lang na-realize kung gaano siya kalapit sa akin. Mabango talaga si Marcus, hygienic siyang tao kaya rin siguro maraming nagkakagusto rito.
"Okay... Tara na!" ipinasok ko muna 'yung phone ko sa bag bago ko siya hilahin papuntang Subway.
-
Pagkapasok pa lang namin ay amoy na amoy mo na 'yung bango ng mga pagkain sa loob. Pumila muna kami ni Marcus habang tumitingin sa menu nila.
"What you will order?" tanong niya.
"I'll go for roasted chicken breast." sabi ko sa kaniya at kumuha na ako ng pera sa wallet ko. "Ito 'yung bayad sa pagkain ko. Hahanap na muna ako ng table natin." at iniabot ko na sa kaniya 'yung bayad ko.
"Kahit 'wag na-"
"May pera ako, Marcus. Hayaan mo na akong bayaran 'yung akin, okay? KKB tayo." sabi ko sa kaniya.
Naglakad na ako sa kaniya papalayo nang biglang mag-vibrate 'yung phone ko... Hindi ko muna ito tinignan at naghanap muna ng table for 2. I found a table beside ng glass window kaya naman umupo na ako doon and I opened my phone.
BINABASA MO ANG
Certainty To You
Teen FictionSa mundong ito lahat ng bagay ay walang katiyakan. 'Yan ang palaging sinasabi ni Thalia sa sarili niya simula pa noong nalaman niya ang tinatagong lihim ng magulang niya. Para sa kaniya, mas nanaisin niyang mamuhay na lamang mag-isa hindi katulad sa...