Kung napansin ko siguro 'yon, hindi kami aabot sa ganito.
"Halika ka na, umuwi na tayo't gagabi na oh" aya sa akin ni Shantal.
Napatingin ako ulit sa kabuuan ng school at ngumiti nang malungkot.
Ang sarap sigurong balikan 'yung elementary, 'no? 'Yung tipong iiyakan mo lang 'yung pagsusulat mo sa papel ng pangalan mo, 'yung hindi mo ma-pronounce nang maayos 'yung word na 'dalawa' ay nagiging 'dawala'. 'Yung tipong kailangan mong matulog ng tanghali kasi hindi ka papalabasin ng bahay at hindi ka pwedeng maglaro sa labas kapag hindi ka natulog.
Ang sarap sigurong maging bata ulit.
"May ibibigay ako sa inyo papel at kailangan itong pirmahan ng magulang ninyo kung makakasama kayo sa ating field trip. Maaari niyo itong ibalik sa akin sa Monday." sabi ng adviser namin at lumapit sa amin para ibigay ang papel na iyon.
I'm so excited dahil ito ang kauna-unahang field trip ko! Sana makasama si Daddy para buo kaming mag-eenjoy. I really hope na ma-clear niya 'yung schedule niya for that day.
"Sa tingin mo makakasama ka?" pabulong na tanong sa akin ni Shantal.
"Hindi ko lang alam pero sisiguraduhin kong makakasama ako. Ito kaya 'yung kauna-unahan kong field trip." sabi ko sa kaniya habang tinitignan 'yung papel na ibinigay sa amin. "Ikaw ba?"
"Sure na akong makakasama ako. Last year din kasi may field trip kaya nakasama ako, sana makasama ka para maglaro-laro tayo!" tuwang-tuwa na sabi sa akin ni Shantal.
Nang maka-uwi na ako, ipinakita ko agad kay Mommy 'yung papel. Hindi pa ako nakakapagpalit ng uniform ko dahil excited akong ipakita sa kaniya na magkakaroon kami ng field trip.
"Sige sama tayo." sabi ni Mommy.
Lumiwanag agad ang mukha ko noong nakita kong pinirmahan niya agad 'yung papel. Ito rin yata 'yung kauna-unahang trip namin buong pamilya, hindi kasi palaging umuuwi si Daddy kaya hirap din maghanap ng time para magkaroon ng kahit small trips lang.
"Pwede ko po bang tanungin si Daddy kung makakasama siya, Mommy?" tumingin ako kay Mommy para mag ask.
"Yeah, sure. Ito 'yung phone ko. You can call your Dad or text if you want, baby. Pupuntahan ko lang si Ivan sa may playroom." nakita kong naglakad na papuntang playroom si Mommy.
"Ay siya nga pala anak. After mo diyan, magbihis ka na ha. Baka matuyuan ka pa ng pawis and 'yung lunch box mo, ilagay mo na sa may sink." tumalikod na ulit si Mommy.
To: My Honey
Hey Daddy! It's me, your prettiest daughter hehe. Can you come po ba sa field trip ko po? Sana Daddy makasama ka please po.
I sent it na ka Daddy. Ibinababa ko ang phone ni Mommy sa may coffee table at pumunta na ako sa kusina para ilagay 'yung lunch box ko sa may sink at umakyat na para makapagbihis.
BINABASA MO ANG
Certainty To You
Teen FictionSa mundong ito lahat ng bagay ay walang katiyakan. 'Yan ang palaging sinasabi ni Thalia sa sarili niya simula pa noong nalaman niya ang tinatagong lihim ng magulang niya. Para sa kaniya, mas nanaisin niyang mamuhay na lamang mag-isa hindi katulad sa...