CHAPTER 10

8 1 0
                                    

Hindi na namin namalayan ang bawat tao sa paligid namin. Ang mahinang pagtipa ng piano sa entablado, ang ingay ng taong dumadaan, at ang oras na tumatakbo na tila hinahabol ang pag-alis... Niya.


"Ano 'yung sasabihin mo sa akin, Sean?" tanong ko sa kaniya.


Nagsimula na kaming maglakad-lakad muna, nariyan lang daw kasi 'yung sundo niya. Diretso airport na rin pala siya after nito.


"Do you remember when we were still in Grade 5 and 6?" he asked me.


"Yeah? Oh the teddy bear you gave to me? 'Yung everytime may turn-over?" tanong ko sa kaniya na siyang itinango niya.


"Yes. There's meaning behind those, do you want to know?" tanong pa ulit niya.


Napatingin ako sa kaniya pero nakatingin na pala siya sa akin. Narito na kami sa may puno ng Acacia malapit sa parking area dito sa school. Rinig na rin ang pagtugtog ng banda ng school hudyat na magsisimula na sila.


"Oo naman. Ano ba iyon?" ngiti kong tanong sa kaniya.


Nakita kong tumingin siya ng malayo. Kita-kita ko rin kung paano magreflect ang liwanag mula sa mga ilaw sa paligid sa kaniyang mga mata.


Kita ko rin kung gaano siya ka-gwapo. Simula pa lang naman ay gwapo na si Sean. Half Filipino Half Norwegian, bali mama niya yung Filipino.


"I like you." sabi ni Sean


Nagulat ako sa sinabi niya. Tila hindi ko inaasahan na ito ang sasabihin niya sa akin. 


Magsasalita sana ako pero naunahan ulit ako ni Sean.


"You don't need to say anything, Thalia." ngiting sabi niya sa akin. "You don't need to reciprocate my feelings for you." dagdag pa niya.


"Kailan pa?" iyon lang ang lumabas sa mga bibig ko.


"It started when I saw you reviewing for quiz bee, Grade 4." napatingin ako kay Sean na ngayo'y malayo na naman ang tingin.


"Ang tagal na..." sabi ko. "Hanggang ngayon ba?" dagdag ko pa.


"Oo, Until now." sabi ni Sean at lumingon sa'kin.


"Bakit ngayon ka lang nagsabi?" tanong ko pa.


"I thought hindi ako makakasabay sa inyo sa pag-gradute kaya I decided not to tell sa'yo. Grade 4 hanggang Grade 6, crush na crush kita. Not until Grade 7 hanggang ngayon, I like you na pala. Hindi lang siya crush, Thalia." paliwanag pa ni Sean.


"You don't need to reciprocate my feelings for you, Thalia. Hayaan mo lang na magconfess ako sa'yo ngayon before I go." nakita kong yumuko si Sean.


"I'm sorry." at ayun lang ang nasabi ko.


Certainty To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon