CHAPTER 12

5 0 0
                                    

Medyo na-late akong nagising, 6:12 AM na. Hindi dapat talaga ako nagpapaabot ng madaling araw lalo na kapag may pupuntahan ako ng maaga. 


Pagkabangon ko ay dumiretso na agad ako papuntang C.R dahil maliligo lang ako nang mabilis. Pagkatapos ay nag-ayos na rin ako ng aking buhok at naglagay ng kaunting make-up para naman magkabuhay itong mukha ko. Mukha kasi akong patay dahil medyo pale 'yung mukha ko.


Medyo late na ako sinundo dito sa bahay. Kasama ko na ngayon si Shantal at ate Sheryl. Punong-puno kami ng gamit ngayon dito sa loob ng kotse dahil na rin sa dami ng dalang gamit ni Shantal na akala mo ay mawawala siya ng isang taon.


"Nakita mo ba ulit 'yung mga sinend kong Tiktok videos kagabi?" tanong ni Shantal habang nakatutok siya sa phone niya.


"Oo, grabe tinadtad mo ako ng mga videos ha." sagot ko naman sa kaniya.



Ilang minuto pa'y narating na namin ang place kung saan kami magca-camping. Isang school ito, hindi kalayuan sa bahay namin. Pagkababa namin ay isa-isa rin binababa ang gamit ni Shantal. 


"Grabe, Shan. Ilang araw ka ba mawawala at ganito karami ang dala-dala mo?" natatawa kong sabi sa kaniya.


"Girl, kailangan pa rin natin pumorma kahit camping lang ito. Alam mo 'yun, proma everywhere!" sabi naman niya na ikinatuwa ni ate Sheryl.


Isinuot ko na ang bagpack na dala ko at ang luggage. Habang naglalakad kami ay rinig na namin ang ingay ng tao sa hindi kalayuan. Hindi pa naman gano'n kainit at marami rin ang mga puno sa paligid kaya mahangin-hangin din. 


May makulay na playground sa kanan, walang tao roon dahil wala rin namang pasok. Sa kaliwa naman ay ang guard house, naro'n naman sila kuyang guard na kumaway lang sa amin.


Malapit na kami at kitang-kita mo na agad ang court sa kaliwa. Narito na ang ibang tao at ang ibang members ng YFC. May mga monoblock na naka-ayos para siguro sa amin na ininvite. Naglakad na kami palapit sa may table kung nasaan sila kuya Steben. Registration muna pala bago pumasok. 


"Good morning, Thalia and Shantal!" masiglang bati sa amin ni kuya Steb.


"Good morning din po." bati rin nami ni Shan.


Nagsulat muna kami sa papel at binigyan kami ng nametag para sa pagkakakilanlan namin. Nang makuha na namin ito ay nagpasalamat na rin kami sa mga ate and kuya namin na nasa registration.


Naglakad na rin kami papunta sa mga upuan sa harap ng stage. There were people sitting na rin and mukhang magkakakilala na rin sila. I was shocked to see Amiel and Marcus. Inilibot ko pa ang paningin ko nang makita ko ang mga katabi ni Marcus, naroon sila ate Rianne, Emma, and 'yung dalawang pinsan ni Marcus na sila Tristan at Cassandra. 


Ngumiti sa akin si ate Rianne at nakita ko pang siniko niya si Marcus para makuha ang atensiyon nito na nakikipag-usap kay Amiel. Nginitian ko rin pabalik si ate Rianne at sila Marcus. Nakahanap na kasi kami ng ma-uupuan, sa pangalawang row siya. Hindi namin kasi gusto na umupo sa may pinakalikod dahil baka magtawag mamaya tapos unahin 'yung mga nasa likod.

Certainty To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon