Ngiti na hindi ko akalain na babaunin ko habang buhay.
Dalawang buwan na ang nakakaraan simula noong pumasok ako sa school na ito. Sa loob ng dalawang buwan na 'yon ay may chances na nagpa-practice kami ng drum and lyre. Pinili kong maglyre.
August na ngayon at naghahanda na kami para sa Buwan ng Wika. Hindi ko alam kung anong tawag sa sayaw na ito pero sabi ng teacher namin ay kailangan daw by partner.
Nag-umpisa na siyang magbigay ng mga pangalan ng mga magpa-partners. Ang ginawa ng teacher namin ay nakapila ang mga babae ngayon ng alphabetical order tapos ang mga boys naman nakapila rin pero hindi by alphabetical order. Isa-isa tinatawag ang surname ng mga boys then tatabi na sila sa mga partner nilang babae. Kapag may sobra, 'yung isang partners ay magiging tatlo.
Ako na ang last na babae na nandito pa sa ibaba ng stage at kitang kita ko na kung sino ang magiging partner ko, si Marcus.
"Hi." bati ko sa kaniya nang tumabi siya sa akin.
"Hello." bati niya din sa akin habang nakangiti.
Sabay kaming umakyat sa stage at tumabi sa iba naming mga kaklase.
May mga instructions lang ang teacher namin at isa-isa na din kaming inilagay sa formation and designated area namin habang nasayaw.
Doon kami inilagay sa may kaliwa malapit sa flag pole since matangkad si Marcus.
Nag-umpisa ng magturo ng steps 'yung teacher namin hanggang sa sinabi niyang kailangan namin maghawakan ng kamay since may pag-ikot na mangyayari.
"Pwede?" tanong sa akin ni Marcus. Hindi naman kasi kami madalas mag-usap, tahimik din kasi siya.
"Oo naman." sabi ko sa kaniya nang may ngiti sa labi.
Nang humawak na ako sa kaniya naramdaman ko ang init sa kaniyang mga palad. Mapapansin din na mas malaki ang kamay niya kaysa sa akin.
"Sorry, pasmado kamay ko haha!" sabi ko sa kaniya. Paano ba naman kasi, ramdam ko 'yung pagpapawis ng kamay ko. Nakakahiya!
"Okay lang." tumango lang ako at nagfocus na muli sa ginagawa.
Nang matapos ang practice namin ay pumunta ako sa may bench para kunin 'yung water bottle ko at nagpunas ng pawis. Pinadala din sa akin ng Mommy 'yung white extra t-shirt para daw makapagpalit ako at hindi matuyuan ng pawis.
"Thalia, gusto mo?" Nagulat ako sa boses na 'yon dahil si Marcus pala 'yon. May bitbit siyang supot ng plastic na may laman na Frutos.
"Sa akin talaga?" natatawa kong sabi sa kaniya.
Nakita ko naman na ngumiti siya saglit.
"Oo, hati tayo kasi napadami 'yung nabili ko." sabay kamot ng ulo na para bang nahihiya.
BINABASA MO ANG
Certainty To You
Teen FictionSa mundong ito lahat ng bagay ay walang katiyakan. 'Yan ang palaging sinasabi ni Thalia sa sarili niya simula pa noong nalaman niya ang tinatagong lihim ng magulang niya. Para sa kaniya, mas nanaisin niyang mamuhay na lamang mag-isa hindi katulad sa...