CHAPTER 13

3 0 0
                                    

NATAUHAN lang kaming dalawa nang biglang nagsitilian ang mga kasamahan namin. Kahit 'yung mga ate at kuya namin na nasa labas ng court nagsipuntahan para lang makita kami. So, basically narito silang lahat.


"Grabe, tama na 'yang tingin na 'yan, Marcus. Bumalik ka na sa upuan mo." tumatawang sabi ni Amiel.


"Si Thalia lang ang bukod tanging sumagot ng 'Yes'." puna naman ni Ate Jen.


Nang makuha ko na 'yung singsing ay sinuot ko ito, nagulat na lang ako kasi kasya 'yung singsing sa daliri ko. Napatingin naman ako kay Marcus na nasa kabilang side na, naka-upo. Ngumiti lang siya sa akin kaya nginitian ko lang siya pabalik.


"Grabe, Thalia. Hindi ko inaasahan na ikaw ang lalapitan ni Marcus! Bagay kayo!" sabi ni Shan habang hinahampas ako.


"Oo, sige na. Isa pang hampas ibabalibag kita, nakaka-ilan ka na." biro ko pa. 


Ilang minuto pa, tinawag na kami para umupo ulit sa dating arrangement ng upuan. We need to listen naman sa mga mag-share, dalawa sila before kami mag lunch. Our ate and kuya gave us cheesecake at juice para raw hindi kami antukin habang nakikinig.


Napalingon ako sa gawi nila Marcus, hanggang ngayon ay tinutukso pa rin siya ni Amiel at ni Ate Lana. Natawa na lang ako dahil bigla niyang binatukan si Amiel kaya naman muntikan mabuga ni Amiel 'yung kinakain niya.


"Tama na ang titig, Thalia. Baka hindi ka maka-move on sa proposal niya kanina," bulong sa'kin ni Shan. "Saan bang simbahan kayo ikakasal? Saan din ang reception?" dagdag pa niya. 


Sinamaan ko lang siya ng tingin para tumigil na. Nakinig na lang kami sa nagsasalita sa unahan pero kahit anong pakinig ko wala akong maintindihan, 'yung utak ko pa rin naroon sa proposal kanina. Hindi naman totoo 'yun, laro lang kaya bakit ko ba iniisip pa 'yon? 


Bakit ba kasi ako ginugulo ng proposal na 'yon? Hindi naman mangyayari 'yon sa future. Ayaw kong ikasal, nakakatakot.


-

Natapos na 'yung dalawang speaker namin kaya naman we decided to build our tent muna before we eat lunch. I wasn't starving naman kasi nakakain na kami ng mini meryenda kanina so ito na muna 'yung ginawa namin. Tsaka wala pa naman 'yung lunch, niluluto pa kaya masasayang 'yung oras kung hindi namin ito gagawin.


"Thalia! Pa'no ba 'to? Napakahirap naman ipagdugtong 'tong dalawang dulo. Nakakawala ng pasensya, sis." reklamo pa ni Shan.


"Sira ka kasi, alam mo naman siguro na hindi tugma 'yung bawat dulo. So, bakit mo pa pinipilit?" sermon ko naman sa kaniya. "Masisira lalo kapag pinili mo." dagdag ko pa.


"Ay, oo nga 'no. Buti na lang may matalino akong kaibigan." tumawa na lang kaming dalawa at nagpatuloy sa pag-assemble ng tent.


Natapos na kami sa tent kaya naman inilagay na namin 'yung unan at mga gamit namin sa loob. Nang lumabas kami ay nakapag-assemble na rin 'yung iba naming kasamahan dito. Kita ko naman si Marcus hinahabol si Amiel dahil hawak-hawak ni Amiel 'yung unan ni Marcus.

Certainty To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon