Chapter 13

5.6K 228 9
                                    

CHANESSA

"Excuse me po ha? Pero ano bang nangyayari?"

Nagiging weird na eh! Pano ba naman nag-iba yung lugar na ito. It seems like a paradise. Tapos yung dalawang babae, sino nga ba to? Tawa pa sila ng tawa. Yung totoo, joke lang ba to?

"Hoy, Lucy! Tama na! Nakakahiya sa bisita natin!" Sabi ng babaeng nakaputi. Teka? Siya ba yung babaeng multo kanina?!

"Sorry. Haha." Lucy. Napakamot nalang ako ng ulo. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari.

“Ahm. Pwede na po ba ako makaalis? I'm sure na hinahanap na po ako ng mga kasama ko.” Sabi ko sa kanila. Tumigil naman sila sa kakatawa at sumeryoso ang tingin sakin. Ngumiti naman sila agad.

"Hello there! Ako nga pala si Crystal." Sabi ng multo sakin. Lumapit sya sakin at nagshake hands. Nakangiti din siya at parang hindi sya nakakatakot.

"I'm Chanessa po."

"At ako naman si Lucy. Haha." Sya yung nakakatakot na babae sa field. Hindi ko talaga magets. Ano ba ang nangyayari?

"Ahm.. di po ba kayo yng mga babae na nakakatakot?" Tanong ko.

"Yup!" Sagot ni Crystal.

"Bat niyo po ako tinakot? I mean di ko po talaga magets. Ano po ba nangyayari?" Nalilito na ako eh. Sorry na.

"Idea yun ni Crystal na itest ka." Sagot ni Lucy at lumapit sakin. Nginitian niya ako.

"Eh bakit po?"

"You see, Chanessa, dahil sa test kanina, nailabas mo yung powers mo!" Masayang wika ni Crystal. Oo nga naman.

"You have powers. You are the chosen one to be the holder of the 2 elements." Seryosong wika ni Lucy. Napataas ang kilay ko. Huh? Ang gulo na talaga!

"Ano pong elements?" Takang tanong ko.

"Cha, what do you think your powers are?"- Lucy

What are my powers? Hmm.

"Air?" Siguro air kasi naririnig ko ang hangin, I shouted na may force na hangin. Puro hangin eh so it must be it.

"Tama. But you have another important power pa. Think." - Crystal

Focus. Ano pa ba aside sa hangin? Di ko naman matandaan eh. Imposible naman na apoy, lalo na yung earth. Si Monique pwede pa si earth. Close sila ng puno eh. Hayst.

"Hindi ko po alam eh." Inosenteng tanong ko. Sumeryoso ang mukha ni Lucy. From being a goddess-like-beauty naging nakakatakot! What did I do?! Kinikilabutan na ako!

"GUSTO MO TAKUTIN ULIT KITA PARA MAILABAS MO YUNG KAPANGYARIHAN MO, HA??!!!!" Napatalon ako sa gulat.

"H-hindi n-na p-po..." Nauutal na sabi ko. Huhuhu. Natatakot na ako. Gusto ko ng tumakbo. Pumikit nalang ako habang yakap si egg.

"Joke lang! Tinatakot lang kita. Hahahaha!" At nagsimula nanaman siyang tumawa. Ang galing mag joke. Mababaliw ako dito eh! -_-b

"Hindi na kami magpapaligoy-ligoy pa. You are the chosen one to be the holder of the element air and water. Okay" - Crystal. Water. Kaya pala may nakita akong pangitain sa tubig!

"Eh bat dalawa po? Di po ba pwedeng air lang or water lang?" Tanong ko.

"Dapat dalawa talaga kayo. Pero kasi the other holder died at sayo pinasa ang water element." Lucy explained.

"Okay. Pero, sino po yun? Bat siya namatay?" Ano kinamatay nun? Close ba kami at sakin niya pinasa ang tubig?

"She's your twin sister."

One with magicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon