Chapter 49

2.3K 63 5
                                    

CHANESSA'S POV

"Alright that's all for today."

Sabi ni Sir Rox. Tinuruan niya kami gamitin ang powers namin bilang weapon. Buti nga nakapagtimpi. Hehe.

"Cha! Tara sa cafeteria. Gutom na ko." Banggit ni Snow kaya naman sumama na rin ako kasi

Pagkapasok sa cafeteria eh kitang kita ko ang isang mesa na andun ang barkada. Hehe kilala niyo na sila. So ayun. Nagderetso kami ni Snow at Monique pati Lea sa counter para mag order at dinala sa mesa.

"Hays.. I really can't believe there will be a war." Mahinang sambit ni Jaycee pero bakas doon ang takot niya. Napahinto ako sa kinakain ko. Nawalan na ako ng gana. Kahit din naman ako natatakot sa gyera na magaganap.

"You know what guys we all are afraid.. its up to us kung ano ang fate natin. If fear conquers us then we will lose that battle. Tibayan natin ang loob natin. That's the key." Wayne said trying to convince each if everyone of us. Napatingin ako sa mga kasama ko. Lahat pala sila huminto na sa pagkain. Maybe all of them feel the tension between that war.

"Hays.. but last battle was a failure. Natalo tayo. Right?" Meggy said kaya kami ng pinsan ko napatingin sa kanya.

"Natalo?" Monique asked. Tango naman ang sagot nila.

"But that was before.. I think lolo pa ng lolo natin ang kumalaban sa Dark Ones. Hays. Natalo sila kasi yung fire element ay nasa kampo ng kaaway." Lea explained. Fire element??

"Teka.. so meaning noon pa man eh may element holders na?" I asked.

"Actually yes there is. Kaso iba sila sainyo dahil isang tao isang element. Sainyo naman tigdalawa kayo which is very rare or unique." Sabi ni Seph. Tumango naman ako. Grabeng kaba ang nararamdaman ko. Suddenly may humawak sa kamay ko sa ilalim ng lamesa. Its Blake. I just smiled at him para hindi maipakita ang kaba na nararamdaman ko.

Pano kung matalo ulit kami? Paano na yan? Eh di sila ang maghahari?

"And ohh. We should really win this battle." Seryosong sabi ni Clayton. Lahat kami napatingin sa kanya. "Why? I heard that the king will invite some guests."

"Guests?" Monique.

"Yes. Gigisingin niya ang mga scorions." Ano yun? Pero halata ang sobrang gulat sa mga mukha ng kasama ko. Tila nawalan ng kulay ang mga mukha nila.

"Ahh what is scorions?" I asked.

"Sila ang mga nilalang na kumukuha ng kaluluwa." Adrielle explained. Agad naman akong kinabahan.. nangunguha ng kaluluwa? Eh di parang soul trapper.

"Yes, Chanessa. Soul trapper." Kinakabahang sabi ni Lea. "Sila ang mga kumakain ng kaluluwa. Kahit kagatin ka lang nila kaya na nilang kunin ang kaluluwa mo. In other words patay ka agad and there's no chances of survival. At isa sa scorions ang p-pumatay sa kapatid ko. He saved me para mabuhay ako kaya yun. Binawian siya." She said weakly..

"Well there is chance of survival. Yun ay kung mapatay mo ang scorions na pumatay o kumain sa kaluluwa ng kinuhaan niya. Pero I highly doubt it since no one could kill a scorions since napakalakas nila. Thousands of scorions ang makakasagupa natin. Yun ng estimate ko." Blake.

Gusto ko ng magmura sa mga narinig ko. Thousand?! As in THOUSAND?! Eh ang isa nga eh napakahirap ng patayin libo pa kaya!

"Not only scorions, there are also bloody janus." Sabi naman ni Jaycee.

"Oh no..." Sambit ni Snow na siyang mas ikinabahala ng mga kasama ko.

"Ahh.. kindly... kindly explain that bloody jane or janes..?" Sabi ni Monique.

One with magicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon