Chapter 23

4.2K 159 3
                                    

CHANESSA'S POV

Hay. Another typical day. Nakakatamad. Wala kasing masyadong ginagawa. Hay. Nakahiga lang ako sa kama mag-isa.

"Baby Blue. Ano pwedeng gawin?" Bored na tanong ko sa dragon ko na kanina pa paikot ikot sa mukha ko. Maya-maya humiga siya sa mukha ko!

"Blue! Loko ka ah. Ang bigat mo na kaya!" Binelatan niya lang ako. Aba to! Humiga siya sa may tiyan ko.

Hays. What to do?

Wala kasing pasok. Kakatapos lang ng prelims. Kungbaga rest day ngayon.

"Nique! Samahan mo ko sa labas! Dali gala tayo." Yaya ko sa natutulog na Monique.

"I don't want to. I'm so pagod pa. Go ahead by yourself nalang."

Huhu. Battered cousin. Hays. Lumabas ako sa kwarto. Iikot nalang ako muna. San kaya maganda pumunta?? Music room? Field? Garden? Classroom? Principal's office? -__-

"Hi!"

"Ay kabute!!" Nakarinig naman ako ng tawa. Pagtingin ko si Wayne. Ay pasaway.

"So where are you heading, my lady?" Kung makapagsalita to. Naku!

"Hehe. Actually naghahanap ako kung san pwede pumunta."

"Nice. Haha. Tara. Punta tayo sa dorm namin." He said sabay kindat. The hell??

"Ahh.. hehe. Mag-isa nalang ako mag lalakwatsa. Bye!" Agad akong umalis. Baka manyakin ako.

"Hahaha! I was just kidding. Of course bawal girls dun. Come. Pupunta ako sa mall. Magpapalamig."

"May mall dito?! Seriously?!" Bat ngayon ko lang to nalaman? Buti may mall. Hahaha! Makakabili pa ako. ^__^ bahala si Monique jan. Ayaw kasi sumama yan tuloy. Wala siyang mall. Nyahahah.

"Yep. Pero magpaalam muna tayo kay Sir Rox."

"Okay ^___^"

Nagpaalam kami ni Wayne. Hehe. Parang ngang ayaw ako payagan ni Sir eh buti nalang napilit. Ang strikto talaga ni Sir. Bayai na yun. Hmp siya. By the way, papunta na kami sa mall.

"Here we are!" He said. Yes! Ang lapad ng ngiti ko! Hihi.

Tumingin ako sa paligid.

Ehh?

Mall ba to?

Eh parang divisoria to eh!

"Wayne, pinaglololoko mo ba ako? Eh di naman to mall! Divi to!"

"Err.. what's divi?" Aish. Di pala nila alam yun. Hays.

"I mean.. hindi to mall. Tyangge to." Open field kasi at nakakalat lahat ng mga bilihin. May mga stores din. Para ngang divi.

"Chanessa, ito ang mall samin. Okay? Different from your world. Tara na. Masaya dito. Promise!" Hinila niya ako papunta sa isang store. Okay. Tutal bored na ako might as well look at the things here around ^__^

Nagpunta kami sa iba't ibang bilihan. Grabe. Puro magical stuffs.

"Ma'am/Sir, bili na kayo! Love potion. Buy one take one po. 150 gold coins po. Bagsak presyo na po yan." Sabi nung lalaki. Aanhin ko naman yun?

"Chanessa, saglit lang ha? May pupuntahan ako saglit kasi yung inorder ko nagkaproblema. Hanapin nalang kita dito basta wag kang pupunta sa malayo ha?" Tumango nalang ako at tumakbo na siya. Siya na si the flash.

Umikot ako. Actually nakakaenjoy dito. Kaso ingat-ingat kasi baka kung ano mangyari. Wala pa naman akong alam dito sa lugar na to. Hehe.

Naglakad-lakad pa ako. 'The wand store'.. nice! Mga wands siguro ang mga andidito. Hehe. Di naman masama magtanong para may info ako ^__^/

One with magicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon