Chapter 15

5.8K 205 6
                                    

CHANESSA

Nagising ako sa kama namin ni Monique nung sumikat ang araw sa mukha ko. Kakasilaw! Yeah, tama kayo. KAMA. After of what we had been through, sa wakas nasa City na kami at Ms. Heirra welcomed us. Ngayon niya kami kakausapin ng mabuti dahil gabi na kami nakarating kahapon. Okay na nga pala si Monique. Hays. Ito talagang babaeng to. Nag hatch narin yung egg niya. Kaso iyak ng iyak! Wala kasing malay si Monique nun eh. Goldeen pinangalan niya nung nagising na siya. Parang pokemon lang noh?

As of now, magkasama ang dalawang Baby dragons and they are sleeping. Ang cute! Si Baby Blue kasi color blue at si Goldeen naman gold. Halata naman sa pangalan. Haha. Ah basta. They are so adorable!

Si Clayton at Blake nagpapahinga din dito sa... mansyon? Malaking bahay na puro tauhan. I don't know kung mansyon to o palasyo. Si Ms. Heirra ang namamahala ng city na to. Actually, tatlo sila. Di ko pa namemeet yung dalawa pero sa pagkakadinig ko, isa ay prinicipal. Chismosa na ano? =_= eh sa nadinig ko.

Bumangon na ako at naligo. Ngayon namin imemeet sila Ms. Heirra. Syempre nakakahiya kung late kami!

*knock knock*

Sino kaya yun? Agad akong pumunta sa pintuan. Binuksan ko yung door and surprised to see a a woman. Nasa 30+ na ata siya.

"Ano po yun?" Tanong ko.

"Pinapababa na po kayo ng headmistress para sa almusal." Magalang na sagot niya.

"Ah. Sige po. Bababa na po kami. Salamat." Nagbow siya atsaka umalis. Ginising ko agad si Monique. Baka malate kami! Nakakahiya!

"Monique! Bangon na! Nakakahiya kay Headmistress Heirra kung uugod tayo! Attack na sa banyo! Bilis!" Hinila ko siya tsaka tinulak papuntang banyo. Buti at nakicooperate. Hays. Dadalhan ko nalang ng pagkain si Baby Blue. Nakakahiya kung isasama ko pa.

Nung matapos na kami, bumaba na kami. May mga katulong din na naglead ng way kaya di kami naligaw. Nasa dining hall kami. Wow! Ang laki. Super! Andito na pala sila Blake at Clayton pero wala pa ang headmistress. Uupo na sana ako ng may humawak sa kamay ko na siyang ikinagulat ko.

"Excuse me, my lady, but have we already met?" Tanong ng isang lalaki. Tinignan ko ng mabuti ang lalaki. Maputi siya, matangos ang ilong, mapula ang labi, makinis ang balat, all in all gwapo. Kaso yung hair niya may pagka blue na black. Gets niyo? Tinaasan ko lang ng kilay ko. Itong nilalang na to? Sa gwapo na to? Eh di sana di ko nalimutan.

"Sorry mister but I guess not. Nagkakamali ka lang siguro." Sabi ko tsaka kinuha ang kamay ko sa kanya. Tumalikod ako kaso hinarangan niya ako. Ngumiti siya sakin.

"May I know your name, my lady?" Tanong niya ulit. Hindi naman siguro masama makipagfriend noh? Kaso ang isa parang pinapatay na ako sa titig. You know who. Blake =_=++ problema nito? Dineadma ko nalang.

"I'm Chanessa. Chanessa Marie Andrews. Ikaw?" Nakangiting tanong ko. Its rude kung ipapahiya ko siya, diba?

"I'm Wayne Underwood." Sabi niya. Hihi. My friend na me! ^0^/

"An honor to be your friend." Sabay abot sa kamay ko at ishashake hand sana kaso kinuha niya yun at inintertwine sa kamay niya. 0/////0 tinanggal ko agad yun.

"My pleasure is mine." Umupo na kaming dalawa. By the way, si Monique wala ata sa mood. Tahimik. So is Clayton. Si Blake naman namumula. Wag niyong sabihin kinilig to at nagblush? Haha.

"Blake, nagblush-on ka noh?" Joke ko sa kanya.

"The hell?!" Humarap siya sakin. Hindi ko mapigilan matawa. Hahaha! Pinisil ko ang dalawa niyang pisngi na parang kamatis!

One with magicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon