CHANESSA'S POV
21 hours.
21 hours ang itinagal ng gera. Yan ang oras na kung saan lungkot, kaba, takot ang mararanasan mo sa mga oras na iyan. Hindi mo alam kailan ka mawawalan ng buhay o kung makakaligtas ka pa ba kung hindi ka lalaban. Kailangan mong maging matapang. Kailangan mong lumaban para sa mga taong mahal mo.
Binigyan namin ng mataimtim na dasal ang mga nasawi sa labanan at tatanawin naming utang na loob ang lahat ng bumuwis ng buhay upang manaig ang kabutihan. Ang mga naiwan na dark ones ay ikinulong. Bibigyan sila ng chance mamuhay ngunit kukunin sa kanila ang kanilang kapangyarihan upang hindi na makapaghiganti.
Nagluluksa si Seph sa pagkawala ni Ma'am Giselle na kanya palang Tita. Si Wayne naman hindi na nag paramdam. Hinayaan na namin dahil alam namin gaano kasakit ang mawalan ng mahal sa buhay.
Kasalukuyan kaming nasa kwarto nila Monique kasama sila mama, lolo and lola. Inexplain nila kung bakit sila nawala. Hinanap nila ang ibang magic users na makakatulong saamin sa darating na labanan.
"Anak, nasasainyo pa rin ba ang inyong mga kwintas?" Tanong ni mama saakin.
"Opo." Pinakita namin ang kwintas namin na nakasabit sa leeg namin.
"Hide that, okay? Mahalaga iyan. Hanggat buhay kayo hindi niyo masasabi kung ano ang mangyayari sa kinasalukuyan at isa yan ang mga nais puntiryahin ng mga kalaban." sabi naman ni lolo.
"Pero why naman lolo??" Monique asked. Si lola naman ang sumagot.
"It is a powerful necklace, mga iha. The day na isinuot niyo yan, unti-unting lumalabas ang kapangyarihan ninyo. Iyan ang dahilan kung bakit naipapamalas ninyo ang kapangyarihan ninyo."
"Kung ganun may ganito din po kayo?" I asked.
"Only elemental holders have that."
Napatango nalang kami pero biglang may naalala si Monique.
"Tita Charlotte!! May hindi pa sinasabi si Cha!!!" Napa 'huh' nalang ako. Anong pinagsasasabi neto?
"Ano yun, nak?"
"Hindi ko alam jan! Ano ba yun, Monique?"
"Ano ba yan! Yung nasa tummy mo!!!"
O.O
Nanlaki ang mata ko. Sila mama, tita at grandparents ay nakatingin sakin. They have this 'ano yun' look.
"Ah.. Ehh.. Mama.. Hehehe... May ano po.. Hehe .. Mag kakaapo ka na.. Hehehe....."
"ANO?!" Apat silang sabay-sabay na sumigaw.
Napakamot nalang ako ng ulo.
"Ikaw na bata ka!! Ang bata-bata mo pa nagpapabuntis ka na!!!" Pinagpapalo naman ako ni mama.
"Eh Tita stop that na! Virgin Mary ang peg ni Cha!! It was conceived by pure love!!" Kinikilig na wika ni Monique.
Natahimik ang apat.
"Well, in that case, that is a very powerful one." Tita Cecille said.
"Why naman po??" Monique.
"It is because love is the greatest among all, iha. Mababasa niyo ang details sa isang libro. Basta ang alam ko makapangyarihan ang magiging anak mo, Cha. It is a blessing kaya ingatan mo yan." Napatango ako sa sinabi ni Tita. Niyakap naman ako ng mahigpit ni mama.
"May apo na ako. Huhu." Umiyak ba naman tong nanay ko!
"Ano ba pinaglilihian mo, apo?" Lolo asked. Napangiti naman ako ng maalala ko yun.
BINABASA MO ANG
One with magic
FantasyHighest Ranked received #4, #6, #8, #21 "Magic" A word that explains a lot. Do you believe in magic? Everyone knows it doesn't exist in this world. It only does on fairytales. Miracles exist from above through faith. But magic?? I don't think so. B...