SOMEONE'S POV
"Mukhang napapalapit na sina Blake at Clayton sa dalawang babaeng yan ha.. magaling." Sabi ko sa kasama kong nakatayo. Ngumiti ako at tinignan ang iniinom ko. I could already smell victory.
"Mawalang galang na po pero sa tingin ko po mukhang napapaibig na ang dalawang binata sa mga dalagang ito." Agad ko siyang tinignan at makikita mo ang takot sa kanyang mukha. Takot na masaktan at mamatay.
Ngumiti na lamang ako sa kanya."Nasa atin ang alas. Pakatatandaan mo yan, Leo."
CHANESSA'S POV
May klase na. Kakatapos lang ng class namin kaya dito na kami sa battle field kasama si Sir Rox.
"Okay. Makinig kayo. Since alam niyo na at nahanap niyo na yung powers niyo within yourself ay iiwan ko na kayo."
"What?! Eh sir! Kulang pa ang knowledge namin about dun. Don't leave us. Huhu." Daing ni Monique. Kunsabagay. Kahit ako disagree dun.
"Hindi pa ako tapos Miss Arnalia. As I was saying, iiwan ko na kayo para kayo na ang mag ensayo ng mag-isa. Tapos na ang misyon ko na pangaralan kayo kaya kung may tanong kayo ay maaari kayong lumapit sakin."
"Kayo na mag eensayo dahil kayo ang may hawak ng kapangyarihan niyo at kayo ang kokontrol niyan. Maaari niyong gawin lahat dito upang ilabas ang naisin niyong techniques. Kung masusugatan kayo, daplis o sakit ng katawan, nagpadala ako ng mga paro-parong manggagamot at may healing candies sa banda doon. Mag-ingat kayo."
Pagkaturo niya ng candies ay umalis na siya. Nagsimula na ring lumipad sa isang direksyon ang mga puting paro-paro.
"Pano ba yan Cha. Tayo nalang."
"Magconcentrate nalang tayo. Ok?"
Nahahati sa dalawa ang battle field na to kaya iniwan ko na si Monique at pumunta sa kabila para parehas kami makapagconcentrate. Mas maliit nga lang to compare dun tsaka dito kasi may maliit na ilog. Hehe. Pwede to sa water element ko.
"Cha, goodluck saatin." Lumingon ako sa kanya at nagthumbs-up. I know that we can do it.
Pagpunta ko sa place ko, sinilip ko si Monique. Nakapikit siya at parang nagsisimula na kaya magsisimula na rin ako.
Pumunta ako sa may part na tubig. Lumuhod ako at hinayaan na ang kanang kamay ko ay lumublob sa tubig. I closed my eyes at pinakaramdaman ang tubig. I could feel the small waves, the energy, the current, and the power within itself.
"Search deeper to gain the power you always have."
I gasped. That sound. Its the first time I heard it. Parang anlamig. I know it's not the wind. Ang tinig ng hangin malumanay pero ramdam mo ang lakas and at the same time gentle. But this sound is authoritative yet peaceful. Can this be the..
"Water."
I focussed again. Nature is helping us. They do love us. I've decided to make a small whirlpool kaya pinaikot ko ang daliri ko hanggang sa makagawa ako and I try to pull out my hand para makita kung effective ba kaso habang tumatagal.. nawala na.
I did the same again. Linakasan ko yung gawa ko using my hand na. Pinabayaan ko na pero nawala siya. I tried again pero nawala ulit.
Hays. Ano ba yan!
"Concentrate well."
I tried ulit for the nth time pero this time I am more concentrating.
"Wind, water. Create a whirlpool." I said.
Pinikit ko yung mga mata ko. Mas concentrated daw pag ganun at iwas sa distractions. I felt something in may hands.. a strong energy. Hinayaan ko lang yun na lumabas and I concentrated with my breathing.
BINABASA MO ANG
One with magic
FantasyHighest Ranked received #4, #6, #8, #21 "Magic" A word that explains a lot. Do you believe in magic? Everyone knows it doesn't exist in this world. It only does on fairytales. Miracles exist from above through faith. But magic?? I don't think so. B...