CHANESSA'S POV
Nagsisimula na.
Hindi parin mawala-wala ang kaba sa dibdib ko. Ang dami ng namamatay na mga istudyante at ibang kawal. Nagsisiliparan naman ang mga scorions at isa-isang pinupuntirya ang mga kakampi namin at ninanakawan ng kaluluwa.
"Sir Rox!!" Nagulat ako sa sigaw ni Snow at andodoon kasama mga iba pang profs. Ang buong barkada naririto. Magkayakap ang kambal halatang natatakot. Nakayukom naman ang palad ni Clayton. Si Monique hindi malaman ang gagawin.
"Magsipaghanda kayo. In any moment, darating na ang totoong kalaban."
Ibig sabihin wala pa ang mga totoong kalaban? Sa dami ng napapatay samin paano pa kaya mamaya?
Naagaw ng atensyon ko ng isang kakaibang liwanag. Ang light creatures. Agad silang nagsitakbuhan at sinugod ang mga masasamang nilalangan.
Kinuha ni Blake ang kanyang sandata sa kanyang beywang pati na rin si Clayton.
"Marie, promise me that after this you will be okay??"
"Oo, pangako. Ikaw din. Mag-iingat ka. Magpapakasal pa tayo." He kissed my lips and smiled. Sabay silang tumakbo ni Clayton papunta sa kaaway at sumugod.
Nagsummon na ng sandata si Snow at Shail at agad na sumugod sa kalaban.
"Cha," tawag ni Monique.
"Monique, kinakabahan ako. Hindi ko alam anong gagawin." sambit ko. She hold my hand and hugged me.
"Cha, kahit ako kinakabahan pero wag tayong magpaapekto sa ngayon. We need to fight. Pasunod na sila Wayne maya-maya to give everyone of us 2 bottles of healing tablets. Iaabot ko sayo yun mamaya and for the meantime, eto muna." She gave me handful of leaves. "Nguyain mo yan pagnasugatan ka. And here," Binuksan niya ang damit ko at tumambad ang tyan ko. May idikinikit siyang malaking dahon na kakaiba sa tyan ko. "It will protect the baby. Sticky yan kaya hindi yan maaalis agad-agad."
Yinakap ko ang aking pinsan. "Samalat, Monique. Promise me that you will survive after this."
"Oo naman! I will be one of the gorgeous ninangs ni baby! Ikaw din ha. Be safe." Tumango ako. She smiled at me at kinuha ang kanyang armas sa likod.
Its now or never. Itinali ko ang buhok ko at pagkatapos kinuha sa bulsa ng short ko ang stick at ginawa itong sandata.
Lumusob ako sa mga kalaban. Pinaghahahampas ko sila at sinaksak gamit ang sandata ko. Para siyang arnis pero matalim sa dulo. Isinantabi ko muna ang awa at patuloy na kumalaban sa mga kaaway na pilit na pumapaslang sa mga kakampi namin. Sa kanan ko naroroon si Sir Rox na nakikipagsuntukan sa kaaway. Sa likod ko si Ma'am Giselle na gumagamit ng sibat. Walang tigil naman ang pagpapaputok sa magkabilang kamay si Lea ng kanyang baril. Kung dati napakakwela niyang babae, ngayon napakaseryoso niya.
Patuloy parin ang labanan at isang nakakabulabog na putok ang aming narinig kaya napatigil ako matapos masaksak ang kaaway ko. Si Seph ang nagpaputok. Nasa ere siya at isa-isang tinapunan ng mga paputok ang mga kaaway.
Tila hindi na makontrol si Clayton. Lahat ng kaawat niya ginawa niyang yelo. Kasing bagsik niya ang yelong napakatigas at walang awang pinaslang ang mga Dark ones. Kung si Clayton ginawa niyang yelo ang kalaban, si Monique naman sinunog niya ng buhay ang kalaban at wala siyang binukod-tangi.
"Sorry prends, kaaway kayo eh. Dapat sainyo yan! Hmp!" Sabi niya pa sabay irap.
May bumunggo saaking likod kaya napatingin ako. Lukusubin ko na sana ng makita ko si Blake na naghihina. Agad kong isinubo sa kanya ang isang dahon na ibinigay ni Monique saakin. Buti nalang tumalab.
BINABASA MO ANG
One with magic
FantasyHighest Ranked received #4, #6, #8, #21 "Magic" A word that explains a lot. Do you believe in magic? Everyone knows it doesn't exist in this world. It only does on fairytales. Miracles exist from above through faith. But magic?? I don't think so. B...