Prologue

4.4K 140 15
                                    

"Ah, sakit ng kamay ko, architecture is killing me." Reklamo ko sa sarili at nag-unat nang kamay. Napatingin ako sa sa orasan ng kwarto ko at mag-a-alas dos na ng madaling araw.

I finishing my plates for tomorrow. Ayaw kong matambakan, kailangan ko 'to. Isang taon na lang din pala at graduate na ako. Himala ngang buhay pa ako at gumagawa ng rush plate.

Naisipan kong bumaba para kumuha ng tubig. Pagbaba ko ay nakasalubong ko si Vanna na mukhang gulat na gulat ang itsura kaya napatingin ako sa kusina.

"Oh, Haviannah? Bakit gising ka pa?" tanong ni Vanna at banggit sa buong pangalan ko.

May problema ba?

"Kukuha lang ako ng tubig, Savannah. May tinatapos lang akong plates." Ngiti ko at tumango naman siya.

"Sige, babalik na ako sa kwarto." Ngiti rin niya at nilagpasan ako.

2nd year college na siya sa nursing. Parehas din kaming puyat kaya minsan hindi ko na pinapansin kapag naaabutan ko siya rito ng hating gabi hanggang madaling araw.

Nagtaka naman ako sa kinikilos niya kaya napailing na lang ako. Pagpasok ko sa kusina ay kumuha na kaagad ako ng tubig. Umakyat kaagad ako at kumunot ang noo ko ng makitang bukas ang sliding door ng balcony ko. Hinahangin pa ang kurtinang puti kaya nilapag ko muna ang baso sa tabi ng study table ko at lumapit sa balcony.

Nagsalubong na ang araw at buwan, panigurado akong trending na naman 'to sa social media.

"Naka sarado 'to kanina, ah?" usap ko sa sarili ko at sinarado ulit bago niyakap ang sarili pero pagkalingon ko ay nanlabo kaagad ang paningin ko.

Bago pumikit ang mata ko ay naaninag ko pa ang isang lalaking nakatitig sa akin na pulang-pula ang mga mata.

S-sino siya?

***

Nagising na lang ako dahil sa malamig na hangin na dumampi sa balat ko. Unti-unti kong minulat ang mata ko at isang hindi kilalang silid ang nakita ko. Madalim at malaki ang kwarto, may bintanang salamin at kitang-kita ko ang kalahati ng buwan at dilim ng kalangitan.

Bago pa man ako makatayo ay napansin ko na ang suot ko. I'm wearing a black gown with a diamonds on it. Napahawak ako sa leeg ko na may kwintas din ako. Nataranta ako at tumayo. Saktong pagtayo ko ay bumukas ang pinto, napaatras kaagad ako.

Yumuko ang babaeng nasa mid 30's na yata, patang takot na takot tumititig sa mga mata ko. "Gising na po pala kayo," aniya kaya lumapit ako sakaniya at hinila siya papasok. Nagulat siya sa ginawa ko pero sinarado ko na ang pinto.

I faced her, nanatili siyang nakayuko. "Nasaan po ako? Bakit ako nandito? Tingnan niyo po ako..." I begged. Umiling siya at hindi nagsalita.

Shit!

May kumatok sa pintuan, "Gracia! Palabasin mo na si Lady Haviannah!" Tawag ng isang babae kaya nanlaki ang mata ko. Binuksan nung Gracia ang pinto pero umatras ako.

Lady?

"No... n-natatakot ako..." ani ko at doon umangat ang tingin ni Gracia.

"Huwag po kayong mag-alala, simula ngayon, ako na ang magbabantay sainyo." She assured me. Napalunok ako at napatingin sa paligid.

Mga moderno ang design ng kwarto, litong-lito ako sa nangyayari. Ni walang salamin pero dahil sa glass window ay nakita ko ang sarili ko.

Walang salamin pero may window glass?

I look like a royal princess, my hair is wavy and wearing a stilleto makes me look tall. My height increased because of the heels, may lite make up pa ako.

Hinawakan ko ang kamay ni Gracia at pinauna niya akong lumabas. Nanginginig ang mga binti ko dahil sa kaba, gustuhin ko mang tumakbo pero maraming bantay.

Bawat pasilyo at may mga lalaking nakaitim at nakatakip ang mukha, lahat sila ay nakayuko at malalaki ang pangangatawan.

"Relax, Lady. Napaka ganda niyo sa gabing ito lalo na't nahanap na ulit kayo ni Lord Gideon," ngiti ni Gracia at hindi ko alam kung bakit ang gaan ng loob ko sakaniya. "Suotin niyo ho ito." Saad niya at may pinasuot na itim na maskara na kumikinang. Sinuot ko na lang iyon at kahit kinakabahan ay tinibayan ko ang loob ko.

"S-salamat," tugon ko at lumiko kami sa kaliwa. May narinig akong tawanan. Nang magpakita ako kula sa napakalaking hagdan pababa ay natahimik sila. Bumilis ang tibok nang puso ko ng makitang lahat sila ay naka maskara, itim sa karamihan.

"Secret Organization, please welcome, the Queen of Calter Clan!" announced ng isang lalaki at lahat sila ay nagpalakpakan at humalakhak na akala mo ay nanalo sa loto.

"Serve the Queen!"

"Serve the Queen!"

Ano raw? Queen?

Bumaba ako at nakasunod sa akin ang mga nakabihis na simpleng dress black katulad kay Gracia. Napalunok ako ng may lalaking matangkad, matikas ang pangangatawan at brush-up ang buhok na naghihintay sa akin sa dulo ng engranteng hagdan.

He's wearing a mascara too. Nang malapit na ako ay inabot niya ang kamay niya. Tinanggap ko iyon at napapikit ako na para bang naulit na iyon. Agad niya akong inalalayan at hinawakan sa baywang.

Sa higpit ng hawak niya at napatitig na samin ang iba. Gumilid ang mga bisita ng maglakad kami papunta sa gitna. Tumugtog ang classical na tugtugin at pinagsiklop niya ang dalawa naming kamay.

"I miss you damn so much, Viana." He whispered. Ang isang kamay niya ay nasa baywang ko at ang akin ay nasa balikat niya. Hindi na kami pinansin ng mga bisita dahil may sari-sarili na silang mundo.

"Paano mo nalaman a-ang pangalan ko?" tinraydor ako ng boses ko na mautal. Nasinghot ko ang amoy niyang pinaghalong amoy ng mint at lavender.

Ang bango... para kang inaakit. Pero hindi ko siya kilala. Hindi ko sa kilala.

Nakita kong napangiwi siya, para bang nasaktan sa tanong ko. "You really didn't recognize me... I understand." He said with a low tone.

But... I can feel the sadness.

Nangatog ang tuhod ko nang iikot niya ako at biglang niyakap. "S-sino ka b-ba?" I asked, trembling.

Humiwalay siya. Napangiwi at napahawak ako sa balikat ko nang may hinawakan siya kaya napatingin ako. Kumibot ang labi ko ng may isang tattoo doon na nakaguhit ang letrang C doon.

My eyes watered when a little memories flash in my mind. The way they put it and the way this man in front of me... hugging me tightly...

"You're the Queen of this Clan, you need to remember us, Haviannah Hellith. You need to remember me, my wife."


A Vampire's Bite  [COMPLETED] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon