Chapter 31

596 32 1
                                    

Chapter 31: Alive

Mabilis ang takbo nang oras sa mundong 'to. Minsan ay hindi mo namamalayang pagabi na pala.

Ang akala mong normal na kaharian ngunit maraming itinatagong sikreto at napakaraming batas. Dahilan kung bakit ayaw ko ring pumasok sa paaralan ng mga bampira rito dahil sa mga batas na iyon.

Wala rin namang saysay dahil taliwas ang ginagawa nila mula sa naka sulat na batas. Ngayon na nagbalik ako sa kaharian, kailangan ko na ring gamitin ang salita ng mga bampira at pag-aralan pa ang ibang wika.

Hindi ko talaga alam na una ay tiyuhin namin ang Hari ng Amoryia kung hindi pa ikinumpira sa amin ni ina. Cleo and I are not close and maybe Vanna too. May isa pa siyang kapatid na alam kong kasing edaran ni Vanna.

Iyon ang hindi ko kilala, hindi kami nagkakausap ni Cleo at kasing lamig din ng yelo ang ekspresyon niya. Ni hindi niya rin kami nakilala nung una o hindi niya lang talag kami tanggap?

Pero kahit na gano'n, gusto ko silang maging kasundo dahil pinsan ko pa rin sila kahit baliktarin man ang mundo. Ang tanong, why Mom hid this too us? And the King of Amoryia as well?

"Lumilipad yata ang Isip mo, Viana?" tingin sa akin ni Vanna kaya nabalik ako sa huwisyo at pilit na ngumiti sakaniya.

"Wala, naisip ko lang na hindi pa nati kasundo sina Cleo pati ang prinsesa. Ano sa tingin mo ang dapat nating gawin?" Tanong ko pabalik at ngumisi lang siya bago umiling.

"Iniisip mo bang hindi na tayo papansinin?" mahinang tawa niya at mahina akong tumango. "Gusto kang makasundo ni Cleo at Kelly, nung unang punta ko ro'n ay naging kasundo ko sila at hinahanap ka nila sa 'kin. Mabuti sila, Viana." Ngiti niya na nakapag panatag sa akin.

Huminga ako nang malalim at binuksan ang bintana ng karwahe para makasinghap ng hangin pero agad na nanigas ang mga mata ko nang makaramdam ng kakaibang presensya.

Agaran akong tumingin kay Vanna na gano'n din ang nga mata. "Someone is watching us, he's here... near us." Vanna whispered.

Patitigilin ko sana ang karwahe na ng marinig namin ang utos ni Mom. "Manatili kayo sainyong karwahe at isarado ang mga bintana!" Malakas na sigaw niya sa amin at hindi na kami nagalinlangan pang sundin iyon.

Kumuyom ang mga kamao ko at pinakiramdaman ang kapaligiran. "Nature is your friend, Viana. If you will ask or whisper on them, they will obey your command." Mahinang saad ni Vanna na miski ako ay hindi alam.

Mula palang sa Elfego ay nararamdaman ko na sila, lalo na hanging parang laging may binubulong sa akin na kailangan kong maintindihan. Isa sa mga dahilan kung bakit gusto kong malaman ang lahat ng kapangyarihan ko.

Nakarinig kami ng nga kalampag sa labas kaya hindi na ako nagatubiling sumilip. Laglag ang panga ko nang makita si Mom.

"The hell... our Mom is really a goddess." Hindi rin makapaniwalang buong ni Vanna.

Habang nakaharap si Mom sa taas ng matayog na puno, sa taas no'n ay may isang lalaking makisig na nakatingin sa amin. Ang buhok na nakatali ni ina ay nakalugay na ngayon, bagsak ito ngunit may halong kulay abo rin katulad ko.

Nagliliwanag ang kaniyang katawan lalo na ang mga nagliliwanag niyang puting mga mata, halos hindi ko na makita ang itim na orihinal na mata ni Mom. Sinubukan naming buksan ni Vanna at karwahe ngunit may pumipigil dito.

Nakapalibot na ang mga kawal kapwa kaming pinoprotektahan. Wala kaming nagawa ni Savannah kun 'di manood lang na humalakhak ang lalaki sa itaas at pamilyar ang boses na iyon.

Ang Hari mula sa lahi ng mga Orpheus, mula sa kaharian ng Hamillus.

"Tunay na wala pa ring pinagbago ang kagandahan mo, Eliza. Tila ang iyong asawa ay pinagsawaan kana." Buo ang boses nito ngunit parang ako ang nainsulto sa sinabi nito.

A Vampire's Bite  [COMPLETED] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon