Chapter 32

561 30 0
                                    

Chapter 32: Nature

The woman I trusted the most, the one who betrayed me first.

Buo ang tiwala ko na Gracia ang mag-aalaga sa anak ko, siya ang naging unang kaibigan at sandalan ko sa mundong ito pero bakit siya pa ang unang naglayo sa akin mula sa anak ko?

Masama bang humiling maging masaya? Dahil kung oo, mas pipiliin ko nalang mawala kaysa magbulag-bulagang maganda ang lugar na ito na puno naman ng kasinungalingan at katrayduran.

Kaya pala nung unang araw ay wala siya dahil matagal niya na iyong pinagpaplanuhan at sigurado akong may kasabwat siya maliban kay Amelia kun 'di mas mataas pa at hindi imposibleng... isa rin doon si Davis.

Isang malakas na yugyog ang nakagising sa akin.

Pagmulat ko ng mga mata ko ay mukha agad ni Mom ang nakita ko. Pinunasan niya ang luhang tumulo sa magkabilang pisngi ko tsaka ko naririnig ang mahinang  tawag ni Vanna sa pangalan ko.

Why would Gracia...

"M-mom——"

"Shh... naghihintay sa atin ang Hari't Reyna, paguusapan natin iyan mamaya." Ngiti niya sa akin kaya tumango ako sa kabila ng panghihina.

Nasa labas na si Vanna na ngayon ay parang nabunutan ng tinik nang makita ako. Gumilid ako para sa gitna si Mom at sa kaliwa naman si Vanna. Sabay-sabay kaming naglakad mula sa pulang tela sa gitna.

Nakahelera rin ang mga matatas na kawal para magbigay galang habang nasa dulo naman sina Cleo at ang sinasabi ni Vanna na si Kelly, pati na rin si Haring Samuel at Reyna Anatasha.

Iba't ibang musika ang naririnig namin habang papalapit kami sa unahan. Kaba at tuwa ang dumaloy sa akin lalo na't lahat sila ay nakangiti maliban kay Cleo na tipid lang, mukha pang napipilitan.

Pilit akong yumuko at ngumiti sa harap ng Hari't Reyna sa kabila ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Kita ko ang masaya at totoong ngiti kay Kelly nang lapitan niya kami at yakapin.

"Magandang umaga, mahal na Reyna." Yuko niya kay ina at gano'n din si Cleo na parang Hari na rin ang tindig pero alam naman na ng lahat na narito ay siyang susunod na maghahari sa kaharian na ito.

At ako, sa daming nagpapatayan, nag-uunahan sa pwesto ay ako namang tinatanggihan dahil lang sa pag-ibig na halos patayin kaming dalawa ng taong mahal ko.

Pagmamahal pa nga ba ito?

"Kami ay natutuwa dahil kayo'y bumisita, halina't sa hapagkainan upang kayo ay makakain na mula sa mahabang paglalakbay." Salubong sa amin ni Reyna Anatasha na siya namang sinundan namin.

Nasa likod sina Mom at Haring Samuel habang seryoso ang mga mukha. Hindi na ako muling lumingon at patuloy na nalang na nakaharap sa unahan habang nakasunod sa mag-iina.

Alam namin ang bawat pwesto kaya walang problema roon. Nanatili kaming tahimik habang naiilang naman ako dahil kanina pa nakangiti sa amin si Kelly pero agad siyang sumeryoso ng dumating ang Hari kasama si Mom.

Miski ako ay ramdam ang bigat ng tensyon ngunit ng ang Hari na ang nagpasimula ay sabay-sabay kaming kumain. Halos hindi ko na patunugin o idikit ang kutsarita sa babasaging pinggan para lang hindi makagawa ng ingay.

Pakiramdam ko rin ang may mahika ang buong palasyo pero hindi ko na binigyan ng pansin dahil natural lang iyon lalo na kung may bisita para sa sariling proteksyon din nila.

Bakit hindi ko naisip ito noon? Gano'n ba ako katutok kay Davis at Blade para hindi maisip ang nasasakupan ko rin? Talaga bang nagagawa ng pagmamahal na baguhin ang isang tao o bampira?

A Vampire's Bite  [COMPLETED] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon