Chapter 2: Tattoo
Kahit na may nangyayari sa labas ay hindi niya ako hinayaang makita iyon. Nagising na lang akong wala siya sa tabi ko. Iba na rin ang kulay ng bedsheet, mula sa itim ay naging abo. Tiningnan ko ang katawan ko at nakasuot ako ng white dress at alam kong bago pa 'to.
Pinilit kong tumayo at napatingin ako sa orasan ng makitang alas otso na ng umaga. Pupunta sana ako sa closet para maghanap ng damit nang may isang paper bag sa dulo ng kana at mukhang damit nga ang laman no'n.
Pinatuyo ko ang buhok ko bago bumaba. Napalinga-linga ako ng buksan ang pinto. Walang bantay.
Lumiko ako sa kaliwa kung saan ang hagdan. May tatlong kwarto sa palapag na ito at hinala kong sa second floor ako bababa, may tatlong kwarto rin iyon kung saan din ang kwarto ko. Pagbaba ko ng second floor ay may isang lalaking nagbabantay. Lumapit ako at lumayo naman siya habang nakayuko na katulad din ni Gracia na takot.
"Gusto ko lang magtanong, nasaan si Davis?" tanong ko at tinuro njya lang ang daretsyong daan pababa at hinala ko ay bungad na iyon.
Tumango ako at naglakad papunta roon. Bababa palang ako sa engranteng hagdan ay napatingin nasa akin ang ibang bantay. Ngumiti ako at kumaway pero umiwas lang sila ng tingin. Bumaba na ako at balak pumunta sa kusina ngunit papasok pa lang ako may narinig akong nag-uusap.
"Hindi ka talaga nadadala?" mariing tanong ng kung sinong lakaki.
"I can handle this, brother. Si Zaxton ang bantayan mo at hindi ako." Sarkasmong sagot ni Davis.
Gumilid ako sa pader at kahit mali ay hindi ko maiwasang makinig.
"How about the plan? You already impregnate her? Remember Davis, we need a heiress." Bakas ang seryoso sa boses ng kausap ni Davis.
What? What they are talking about?
"You're insane, kaunting oras na lang magigising na siya kaya umalis ka na. Please... I waited for this." Mariing sabi ni Davis at nakarinig ako ng yapak ng sapatos. Bumilis ang tibok ng puso ko na gusto kong pigilan.
"Someone is listeng. The heart is beating so fast." Saad nung lalaki kaya akmang tatakbo ako paakyat ulit nang may humawak sa braso ko at sa isang kilos ay hinarangan niya ako sa pader.
Isa ring kahawig ni Davis ngunit ito'y ay mas mukhang matanda, matured at nakatakot. "Hmm..." he smirked. Suminghap siya malapit sa gilid ng leeg ko kaya napapikit ako at tinagilid ang ulo sa kaba.
Napamulat ako ng may marinig na dumaing. Nanlaki ang mata ko nang nasa sala na sila at sakal-sakal ni Davis yung lalaki habang nasa lapag. Nawarak ang tiles kaya napatingin ako kay Davis na naglabasan ang ugat sa balikat.
"I told you not to touch her!" Nlnamumula ang nata nito at nakalabas ang pangil. Nanghihina akong napaupo at ni isa sa mga bantay sa pasilyo ay walang umaawat o nakikialam.
"D-davis..." I called him while my heart is beating so fast.
Lumingon siya sa akin at parang nagsisi ako. Marahas siyang pinalitan ng kapatid niya. Napasandal si Davis sa isang pader habang sakal-sakal nung lalaki at miski ang pader ay nag crack. Shit!
"Stop, you two! Hindi na kayo mga bata!" sigaw nang kung sinong babae na kakapasok lang.
Maganda ang pangangatawan nito, maputi na parang yelo ang balat, maikli ang buhok at tingin ko ay kauri rin nila. Ang dami pala nila.
Mabilis na napunta sa harap nila Davis yung babae at hinagis sila sa magkabilaan. Hindi man lang sila nakitaan masaktan sa ginawa nung babae dahil parehas silang nakatayo na parang ayos lang.
BINABASA MO ANG
A Vampire's Bite [COMPLETED] ✔
Vampire| EDITING | In an empire where vampires love bloodshed and violence, Haviannah Hellith, the next on the throne was tired of following her father's rules and law. William Jones, the king, wants her to follow in his footsteps and become the next queen...