Chapter 15

1.1K 40 20
                                    

Chapter 15: Mine

Kinaumagahan, wala akong gana habang sabay kaming kumakain ngayon dito sa dining area ni Davis. Tahimik lang din sina Zaxton, Calix at si Klomia.

"Are you okay?" Tanong sa akin ni Davis at dahan-dahan kong inangat ang tingin ko sakaniya bago ngumiti at umiling.

Uminom na kaagad ako ng tubig at tumayo, "I need a fresh air. Gracia," tawag ko sa likod ko at lumapit siya sa akin. "Samahan mo 'ko sa garden." Sabi ko at yumuko naman siya bago tumalikod.

Hinawakan bigla ni Davis ang palapulsuhan ko kaya tumaas ang isang kilay ko sakaniya. "Just stay here, Gracia. I'll come with her, let's go." Tumayo siya tumingin kay Zaxton.

Tumango si Zaxton at napatingin sa akin bago yumuko at tinuloy ang pagkain. Nanliit ang mata ko sakanilang dalawa pero agad nang hinila ni Davis ang kamay ko.

Wala akong nagawa kun 'di magpatianod hanggang makalabas kami ng double door. Hinawi ko ang kamay niya at umiwas ng tingin. "Gusto kong lumabas ng mansyon," saad ko at ramdam ko ang titig niya sa 'kin.

"Sure, there's a little bit party on Sidrid where's Klomia place. She said too that our powers will not be able to use while we're there. We will enjoy it, for sure." Paliwanag niya at nauna siyang naglakad.

Talaga?

Napahinto siya at lumingon sa akin. Ang maputi niyang mukha ay nasisinagan ng araw habang namumula ang mga labi. At hina slang napauting long sleeve siya ngayon hindi ang paboritong niyang itim.

Nung nakaraan na nasa closet niya ako, wala akong makita ng ibang kulay kun 'di itim. Ang dami ring stock at mga nakatuping mga long sleeves, t-shirts, v-neck shirts, slacks, coat, tuxedo ro'n. Nasa pintuan ka pa lang amoy mo na ang mamahalin niyang pabango.

Minsan ako na lang nahihiyang tumabi sakaniya e.

Pinagdikit niya ang mga daliri namin kaya napaawang ang labi ko. "Stop thinking, it's bothering me." Hila niya at may kaunting sumilay na ngiti sa labi ko.

"Parang kasalanan ko pa, hindi ko naman sinabing makinig ka." Sagot ko at lumiko kami papunta sa gilid ng mansyon at namangha ako sa nakita.

Malaki ang lupa, hiwalay ang nga kabayo at mga modernong sasakyan katulad ng kotse. Pinatunog niya ang kulay itim na kotseng napakakintab at mukhang iniingat-ingatan niya.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at umikot siya, napatingin siya sa akin at napabuntong hininga bago abutin ang seat belt at siya mismo ang nag ayos no'n. Nag pipigil ako ng tawa dahil mukha siyang naiirita.

Gusto niya ba talaga akong samahan o napipilitan lang?

"I will make a way just to be with you, Half. Masyado kang nag aalala, wala naman akong ibang pinagkakaabalahan maliban sa 'yo." Bigla niyang sabi.

"Sabi mo e," maikli kong sagot bago niya pinaandar ang kotse.

Binuksan ng mga kawal ang malaking tarangkahan at nagtataka ako kung bakit ang bagal ng pagmamaneho niya. "Anong meroon at ang bagal?" Tanong ko at pinatong niya ang siko niya sa bintana bago paglaruan ang ibabang labi.

Hoby niya na iyan.

"You're with me, I'm just being careful." Aniya at nasapo ko ang noo ko dahil nagmukha akong bata ro'n na takot na takot sa mabibilis na byahe.

"Gagabihin tayo kung ganiyan ka, bilisan mo na po at mas maaga tayong makauwi." Buntong hininga ko kaya binilisan niya ang pagmamaneho.

Natulala ako saglit nang may sumagi sa mata kong naka-kabayo sa tabi ng malaking puno na nadaanan namin. That body... Hanzo...

A Vampire's Bite  [COMPLETED] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon