Chapter 20

975 32 4
                                    

Chapter 20: Stay

A/N: Davis POV next chap :')

***


"How's your feeling?" Tanong ni Davis habang bitbit si Blade sa kanang braso niya at ako ay nakaupo sa gilid ng kama ni Blade.

I designed it all like what I saw in my dreams. Pinaghalong black, grey at light blue ang kwarto ni Blade. Ang kama niya ang light blue habang ang ceiling ay grey at ang dingding ay itim.

I'm not a professional when it come with this, but for my son, I will do this no matter what.

Tumingala ako kay Davis na may ngiti sa labi at parehas kaming tumawa nang tumayo ako at lumapit sa anak namin. "Medyo nanghihina pa pero okay na naman, kanina mo pa hawak si Blade. Hindi ka ba nangangalay?" Tanong ko ulit habang pinagmamasdan ang tulog na mukha ni Blade.

Salubong ang kilay nito at nagkukulay rosas ang labi.

"I want him on my arms whole day, especially now Blood Moon." Aniya at napatingin naman ako sa labas ng bintana dahil maaga pa naman.

Alas siyete ng umaga.

"Maaga pa, pahiram muna——"

"Where's my bro?! Ninong is here! We have a gift for you Lazarus!" Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at rinig na rinig ang boses ni Khalil.

Nakita kong napamulat ang anak ko sa gulat kaya naging blanko ang ekspresyon ni Davis habang nakatingin sa mga pumasok. Sina Khalil, Tristan at Vanna kasama si Zaxton pati Klomia.

"Viana," tawag ni Davis habang hilot ang sintido kaya ginulo ko ang pinakamamahal niyang buhok at hinalikan sa pisngi.

"Chill, patikimin mo ng dugo." Sabi ko at natulala siya sa akin bago ngumisi.

Kinagat niya ang sarili niyang hintuturo at pagka labas ng dugo at pinatak niya sa bibig ni Blade. Lahat kami ay nakatingin sa ginawa niya tyaka ako lumapit kay Khalil ay piningot ang tainga.

"Know how to knock, okay? Tyaka walang binyag na naganap, Ninong ka riyan." Asik ko at napatingin sa mga hawak nilang mga paper bag, magkabilaang kamay nila ay may taglilimang paper bag na mukhang branded pa.

Sa mundo ng mga tao ba nila 'to binili?

Tumikhim so Zaxton, "Sinama ko sila sa kabila, hope this is fit to my nephew. Can I hold him?" ngiting aso ni Zaxton kaya nagkatinginan kami ni Davis bago ko siya tanguan.

"Help me with this, Davis. Hayaan mo muna siya kina Vanna." Saad ko at para siyang batang aagawan ng candy sa itsura niya at ito namang lima ay abot tainga na ang ngiti.

"Ayan, bitawan niyo naman kahit minsan." Bulong ni Vanna kaya palihim akong natawa bago kuhanin lahat ni Davis ang paper bag at gumilid kami para buksan isa-isa.

Ngayon pa lang ay marami nang gamit sa loob ng kwarto ni Blade lalo na kasing laki ng isang master bedroom ang kwarto niya. May mga bookshelf na rin para paglaki niya ay marami na agad siyang matutuhan.

Maigsi lang ang panahon lalo na't ang mga bampira ang mabilis lumaki ngunit hindi tumatanda. Malapit na rin pala ang birthday ko, pati iyon ay nakalimutan ko sa sobrang tutok sa anak ko.

"What the fvck is this?!" mura agad ni Davis nang buksan ang isang box at nang tingnan ko iyon ay naistatwa ako bago tumingin sa limang napahinto.

"SINONG BUMILI NG CONDOM?!" Naiirita kong tanong dahil kabata-bata lang ni Blade tapos ganito ang ibibigay sakaniya.

Goodness.

"Hindi ako iyan!"

Nag turuan na sila at nagulat ako nang tumayo si Davis tyaka mabilis na kinaladlad si Zaxton palabas. Malakas niyang sinarado ang pinto at doon silang dalawa nagsigawan.

A Vampire's Bite  [COMPLETED] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon