Chapter 22

790 35 20
                                    

Chapter 22: Sorry

(Present)


I can't feel my heart anymore. A drop of my tears ran down the corner of my eye. I slowly opened my eyes in suddenly sobbed.

My Blade... my husband...

All those dreams looks like real or... it's really real and it's from my past?

Nilibot ko ang paningin ko at ginalaw ang mga daliri ko. Ang huli kong natatandaan ay kinagat ni Davis ang palapulsuhan ko para agapan ang lasong kumakalat sa buong katawan ko.

"L-lady Viana?" boses ng pamilyar na babae kaya paglingon ko sa gilid ko ay nakita ko si Gracia na alerto ang mukha.

Inikot ko ang paningin ko pero mukhang kaming dalawa ang narito. Tinulungan akong makaupo Gracia at nang subukan niyang umalis ay hinawakan ko kaagad siya dahil alam kong tatawagan niya sina Davis.

"Totoo bang... nag kaanak kami?" malalim akong napalunok ng itanong ko iyon.

Napatigil siya at napaawang ang labing bumalik ang lingon sa akin. "N-naaalala niyo na p-po? Pero——"

"Just answer me, Gracia!" dumiin ang hawak ko sakaniya at bigla siyang humikbi ng walang dahilan bago niluhod ang isang tuhod sa harap ko at yumuko.

"Patawad, Lady Viana. Kung prinotektahan ko sana kayo noon... hindi sana nagdusa ng mahabang panahon si Lord Gideon at hindi mawawala ang anak ninyo, patawad..." humagulgol siya sa harap ko at napapikit ako sa galit.

"Totoo nga... ilang taon na si Davis ngayo?" Tanong ko at bigla siyang natahimik bago ako tingalain.

"Walong daan taon..." sagot niya at hindi ko alam kung ano ang sasabihin o magiging reaksyon ko dahil pakiramdam ko ngayon pa lang ay sobrang tagal niya ng naghihintay.

Sa pagbabalik ko...

Nanghina ang kamay ko at nabitawan ang kamay niya. "Alis," mahina kong sabi at wala pa ring pinagbago sa bilis niya at saktong pagbuntong hininga ko ay bumukas ang pinto.

Iniluwa no'n sina Davis, Klomia, Tristan, Vanna at Khali. As usual, wala si Zaxton at mukhang nagbago ang itsura nila mula nung mawalan ako ng malay. Mabilis na lumapit sa akin si Klomia para tingnan ako bago lumapit si Davis at nanginginig ang kamay na hinaplos ang pisngi ko.

"I'm glad you're awake now for being unconscious for three months." He said.

Nalipat ang tingin ko sakaniya at natulala. Three months? Gano'n katagal?

"I love you, my wife." Ani Davis pero hindi naman bumubuka ang bibig niya at nakatitig lang habang nakaupo sa tapat ko.

What? I'm hearing his thoughts?

"Klomia," tawag ko at nanlaki ang mata niya bago nagmadaling lumapit sa akin. Hindi pa rin nagbabago ang ganda niya, mas nagmukha siyang diyosa ngayon makapangyarihan na Reyna.

"Y-yes?" tanong niya.

"Maiwan ka at pakisabi sa mga kasama mo na umalis muna sandali. Huwag makinig o makisali sa pag-uusapan natin." Saad ko nang hindi tumitingin sakanila at nakita ko kung paano bumuka ang bibig ni Davis na parang may gustong sabihin.

Tinaasan ko siya nang kilay, "Tss. She don't want to talk to me, huh?" Rinig ko ulit sakaniya pagtayo mula sa utak niya kaya gusto kong tumawa ng malakas pero pinigilan ko.

Natira si Klomia at doon siya agad umupo sa harap ko. "Naalala mo na ako? Goodness! Alam mo ba kung ilang taon ka namin hinintay?" Puno ng excitement ang boses niya at hinawakan ang kamay ko.

"Iyon din ang gusto kong itanong,"

"Na?"

"What happened to Davis after that night?"

A Vampire's Bite  [COMPLETED] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon