Chapter 30: Karma
Sa pagtalikod ko ay alam kong ikahihina ko rin iyon. Gusto ko ng inumin ang dugo ni Davis ngayon sa uhaw hindi katulad noon na kahit ilang oras o araw ay kaya kong tiiisin siya.
"Hon..." napapikit ako sa tawag ni Davis na puno ng pagsusumamo pero muli kong inihakbang ang mga paa ko papalapit sa kapatid at ina ko'y seryoso lang ang mukha.
"Bigyan mo ako ng oras, Hari ng Elfego. Nais ko lamang kausapin ang aking anak, hindi ko siya kukuhanin sa iyo." Mom said and my eyes grew bigger but I remained calm.
Nanatiling seryoso si Vanna pero alam kung gusto niyang pumrotesta. Lumingon ako kay Davis na ngayon ay nakatayo na at sing lamig ng yelo ang ekspresyon niya ngayon.
He's the Davis who I met before in the underground.
"I will give you a 3 days, Queen. After that, sa ayaw at sa gusto niyo ay babawiin ko ang asawa ko," aniya at lumingon naman sa akin. "Drink my blood now." Utos niya na nakapagpatigas ng mga mata ko at kusang gumalaw ang mga katawan kong hinahatak nang dugo.
I bite him on his left upper chest.
He let me, pagkatapos ko ay siya pa mismo ang nagpunas sa sarili niyang dugo. Hiyang-hiya ako sa harap nina Mom dahil alam kong nakatingin sila sa amin.
"I'm sorry," bulong ko sa isipan at ngayon ko na lang ulit naalalang nababasa niya pala ang Isip ko kung gugustuhin niya lalo na ngayon na marami akong iniisip, baka kung anong gawin niya.
"I love you, babawiin kita... babawi ako, hon." Huli niyang sabi bago halikan ang labi ko nang marahan. Tyaka siya tumingin sa likod ko kung nasaan sina Mom, yumuko siya.
He respect them of course, pero hindi basta-basta yumuyuko ang Isang Calter maliban sa mga piling ginagalang nito rito sa mundong 'to.
Pumikit ako habang binibitawan ang kamay niya. Pinakiramdaman ko ang presensya niya kung nandito pa dahil ayaw kong makitang aalis siya dahil lang sa kagustuhan ko.
Masyado akong nakakain ng emosyon lalo na ngayon.
Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman.
Humarap ako kay ina at Vanna na ngayon nakangiti sa akin. "Huwag kang mag-alala, anak ko. Ipapaliwanag ko sa 'yo bukas lahat kaya pumasyal muna kayong magkapatid sa buong palasyo." Aniya at yumuko ako pati si Vanna bago niya kami talikuran.
Naiwan kami ni Vanna at malalim ang buntong hininga niya. "Let's go to the garden," aya niya kaya agad ko rin siyang sinunod at parehas naming ginamit ang bilis ng isang bampira makarating lang sa Hardin.
Wala naman sigurong nakakita sa amin dahil hindi kami nakausot ng kasuotang pangmaharlika.
Parang binabalik ako sa nakaraan kung saan una akong tumakbo, unang nasampal ni Dad si Vanna at paano tumalsik sina Tristan at Khalil mula sa kakayahan ni Dad na hindi ko mapapalagpas.
May mga paru-parong nagliliparan at dumadapo sa mga bulaklak, heto rito ang dahilan kung bakit mas gusto ko ang mga Hardin kaysa magkulong sa sariling kwarto.
"May hindi ka ba sinasabi sa 'kin, Savannah?" Tanong ko dahil ramdam kong may itinatago siya sa akin na gusto niyang sabihin pero may humahadlang sakaniya.
Tumikhim siya habang nakakrus ang braso, parehas kami ngayong dinadama ang sariwang hangin. "Gusto kitang mamuno rito pero alam kong tatanggi ka at ibibigay sa akin. I don't want the throne, too." Sagot niya at mahina akong napatango.
Pareha kaming ayaw umupo sa trono.
Sinong hahawak nito?
"Our father is have an affair with the Queen of Orpheus, from the palace of Hamillus," aniya na ikinatigil ko kaya napalingon ako sakaniya. Mapait siyang ngumiti. "Nagbunga iyon kaya may may kapatid tayong lalaki, Viana. Mas matanda siya sa 'kin, at wala rin siya sa kaharian ng Hamillus kun 'di pagala-gala."
BINABASA MO ANG
A Vampire's Bite [COMPLETED] ✔
Vampire| EDITING | In an empire where vampires love bloodshed and violence, Haviannah Hellith, the next on the throne was tired of following her father's rules and law. William Jones, the king, wants her to follow in his footsteps and become the next queen...