Chapter 36: Aria
Mas lalong lumakas ang hangin na nag makita ko na ang kabayo ni Dad at katabi niya si Mom. Wala akong ibang nararamdaman kun 'di pagkamuhi sa sarili kong Ama na miski sarili niyang asawa ay dinamay niya.
"Slow down, wife! I can feel a lot of arrow!" I heard Davis shouted to us, I nodded without looking at him and I'm focusing on Dad horse.
I tried to up my hands to control the wind, itinutok ko iyon sa mismong ginagamit ni Dad na kabagayong bumibilis ang takbo pero agad nanlaki ang mata ko sa nakita bago pa man tumama ang kapangyarihan ko.
Isang palasong gawa sa yelo ang tumama sa puso ni Dad nang liliko na siya kaya kitang-kita namin kung saan nanggaling ang palasong iyon. Agad kaming napatigil pagkatumba ni Dad sa kabayo.
Lumingon ako sa isang puno at agad na napaawang ang bibig na ng makita ang isang binatang kawahig ni Davis sa itaas at hawak ang ginamitan niya ng palaso. Hingal ito habang namumula ang mga mata saka nilingon kung nasaan ako.
This boy...
Agad siyang tumalon at kinuha ang mga libro at nagulat ako ng nandoon na agad si Davis at pinipigilan si Mom gumawa nang kung anong aksyon. Mabilis akong bumaba at tinakbo iyon.
Dahan-dahang tumayo si Dad habang tinatanggal ang palasong nakabaon sa puso niya. Nakangisi siyang nakatingin sa binatilyo. "You learned a lot, huh? Alam mong hindi mabilis mamatay ang katulad ko sa ordinaryong palaso lang." Salita ni Dad at hinugot ang palasong gawa sa yelo.
Agad siyang nagsuka nang maraming dugo. Nanginig ang mga labi ko habang nakatingin kay Davis at bumalik sa mukha ng binatilyo. Nagkatinginan sila ni Davis at hinila ako nung binatilyo.
"Stay away from here before you see——" kahit ang pananalita at boses niya ay kuhang-kuha sa asawa ko at bago kami makalayo ay agad kaming tumalsik na dalawa.
Napangiwi ako sa hapdi at agad na tumulong si Tristan. Hinawakan ko ng maigi ang ang kamay ng binatilyong nakahawak sa palpulsuhan ko at agad siyang nakatayo. Nagtama ang nga mata namin, ang asul nitong mata ang siyang nakapagpaalala sa akin kay Davis noon.
Ang mga mata nito at sadya ng maamo, pati ang kilay niyang makapal at manipis na labi. Magulo ang buhok nito, nakasuot ng itim din na t-shirt kaya mukha siyang si Davis kapag nakatalikod.
"B-blade——" hindi natuloy ang pagtawag ko sakaniya ng marinig ang boses nina Vanna, Klomia, Khalil at Cleo.
Pati rin sila ay natigil kaya lumingon ako kung nasaan sina Davis at doon ako natauhan na inilayo niya kami dahil pinalibutan niya ng mataas na apoy ang piligid habang nasa loob silang tatlo.
Agad akong nataranta at akmang lalapit na ng hawakan ni Tristan ang braso ko. Nanlalabo ang mga mata kong lumingon sakaniya at iling lang ang binigay niyang sagot. Puro bunting hininga naman ang naririnig ko sa likod namin.
"He can do that," banggit ni Cleo kaya lumingon ako sakanila. Walang reaksyon ang mukha ni Vanna at Khalil na nakatingin sa binatilyong katabi ko, gano'n din si Klomia at Cleo.
Pero imposibleng hindi 'to alam ni Klomia. Isa siya sa nagbigay ng basbas kay Blade kaya imposibleng hindi niya makilala ang anak ko.
Muli akong tumingin sa harapan at kahit maaga pa ay unti-unting naninilim ang kalangitan. Hindi na ako nagdalawang isip na lumapit, agad kong narinig ang pagsunod nila.
"Stop it! Hibang ka na ba?!" Pilit hinarap ni Vanna ang mga balikat ko sakaniya at hindi ko na nakontrol ang sarili kong itulak siya kasabay no'n ang pagbuhos ng malakas na ulan.
Tuwing kumukulog, nagsasabay ang ulan na alam kong galing sa akin.
"Ang apoy na 'to ay mawawala sa sandaling mabasa kaya anong ginagawa niyo at nagtatalo kayo?" Pamilyar na boses na matagal ko na ring hindi naririnig kaya lahat kami ay napatingin sa kanan.
BINABASA MO ANG
A Vampire's Bite [COMPLETED] ✔
Vampire| EDITING | In an empire where vampires love bloodshed and violence, Haviannah Hellith, the next on the throne was tired of following her father's rules and law. William Jones, the king, wants her to follow in his footsteps and become the next queen...