Chapter 39

546 30 6
                                    

Chapter 39: King

Bukas, magsisimula na ang pagbilog ng buwan.

Natatakot ako sa posibleng mangyari dahil ang pagbilog ng buwan ay hindi na normal para sa akin. Kaakibat nito ang mga pangyayaring hindi maganda, mga pwedeng mangyari na ayaw mo at gusto mong takasan pero hindi kaya.

"Did you read the story of the King and Queen? They're powerful but in the end they ended died, but then... they protected their childrens." Banggit ni Amon habang inaayusan siya dahil pababa na kami para sa serimonya.

Tipid na lang akong napangiti dahil may gano'n pa lang kuwento. "Hindi pa, tungkol sa kasaysayan ang binabasa ko, Amon. Atsaka... walang ganoong kuwento rito." Sagot ko kaya nagsalubong ang kilay niya.

Hindi na siya nagsalita pa at lumabas na ako para sumunod kay Vanna na nasa likod ng kurtina ng veranda kung saan ko nakita sina Mom at ang tagaulat na naghihintay sa amin. Kami ang unang magpapakita para sa paguumpisa at pagkatapos ay ipakikilala na namin si Amon bilang susunod na magiging Hari.

Hindi pa rito natatapos ang lahat, alam kong marami pa rin ang gustong humawak ng trono. Maraming aayaw sa pamumuno niya pero nandito kami para alalayan siya, tuturuan namin siya habang nandito pa kami.

"May balak ka na ba pagkatapos nito, Vanna? Sumama ka muna sa akin sa Elfego." Saad ko kaya napalingon siya akin bago umiling at ngumiti.

Ang ganda niya, ang maamong mukha ni Vanna ang siyang kinabibighani ng iba. Ang mahahaba nitong pilik-mata at magandang ngiti, hindi mo aakalaing isa itong pang normal lamang na bampira. Kitang-kita sakaniya ang pagkakaroon ng dugong bughaw.

"I will stay here but I will visit you there too. Hindi pa man tayo nakakapagusap nang maayos pero kapag may oras na, sasabihin ko sa iyo lahat." Ngiti niya sa akin at tumango ako bago hinaplos ang mga kamay niya.

"We will be separated again, I guess." Mahinang tawa ko at nakaramdam nang sakit sa tiyan kaya pati si Vanna ay naalaerto pero pinahinto ko siya.

Huminga ako ng malalim at pagdilat ko ay nakita ko agad ang mukha ni Davis. Kunot ang noo nitong nakatingin sa akin at lumapit para halikan ang noo ko bago haplusin ang tiyan ko. Napalunok ako bago tumingin sa mga mata niya.

"You okay, my wife?"

Mabilis akong umiling at buntonghininga lang ang sinagot niya. "Simulan na natin," mahinang sabi ko at tumango naman si Vanna para ianunsiyo nang magsisimula ang pagkilala kay Amon.

Kita ko ang paglalim ng mukha ni Davis na parang malalim ang iniisip. Muling nagtama ang mga mata namin kaya marahan kong hinaplos ang braso niya para sabing maayos lang ako at wala dapat siyang ikatakot.

Pagkatapos nito, babalik ako sa Elfego. Aalagaan at kikilalanin ko ang anak ko, gusto kong makasundo si Blade. Babawi rin ako kay Davis, sa lahat ng ginawa kong problema. Pati tuloy si Zaxton ay nadamay.

Gusto ring magpakilala ng maayos kay Blade. Alam kong naguguluhan din siya sa mga nangyayari lalo na't napangunahan ako ng emosyon nitong mga nakaraan kaya baka nagulat siya kung bakit alam ko ang pangalan niya.

Lumabas na kami ni Vanna at ang tagaulat ay nakangiting sinalubong kami. Ang mga bampira sa baba ay nagpalakpakan at yumuko para magbigay galang. Malalim akong huminga bago nagsimula.

"Nandito ako bilang anak ng namayapang Hari't Reyna," pasimula ko. "Biglaan man ngunit ayon ang nakasulat sa propesiya. Bilang isa ring mamamayan ng Svanvera, ninanais kong mapanatili ang kaayusan at katahimikan ng kaharian na ito. Ngayon, masasaksihan ninyo ang aking pagbaba at pagpapakilala sa bagong magiging Hari ng minahal nating kaharian." Saad ko at tumingin sa tagaulat.

A Vampire's Bite  [COMPLETED] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon