Kabanata 14

1.4K 83 51
                                    

Kinabukasan pinilit ko ang sarili na makita ang aking ama. Sabi ng Doctor gising na raw ito at ako ang una nitong hinahanap. Nag-aalangan man, napakiusapan ko si nanay na sumama sa kanya. Sabik na akong makita ang aking ama, ang pangungulila sa kanya ay nakakadagdag sa mabigat kong pinagdaraanan. Mas lalakas ako kung buo ang pagmamahal na matatanggap ko. Lalakas ako kung tatlo kaming lalaban. Lalakas ako kung kompleto kaming tatlo na haharap sa problemang kakaharapin namin magmula ngayon.

Huminga ako ng malalim pagka ayos sa akin ni inay sa wheelchair. Alalay na alalay ako nito. Mula sa pagpupunas ng buong katawan, pagbibihis, sa mga gustong kong libangan at maging sa tuwing inaatake ako ng trauma. Umaalis lang ito kapag dinapuan na ako ng antok. Sa bawat araw na lumipas, taon ang nadadagdag sa hitsura ng aking ina. Kapansin pansin rin ang pangangayayat nito. Sobrang sakripisyo ang ginagawa para sa aming dalawa ni tatay.

Sabi nila, kapag nasasaktan ang anak triple ang sakit na nararamdaman ng magulang. Sakit na hindi nila maaaring ipakita. Sakit na lalapatan lang ng pekeng mga ngiti at tawa.

Napundi na 'yong ilaw. Pero kahit pahirapan na magmula ngayon na makakita, susubukan parin naming kapain ang buhay.

Sa dagok na dumating sa buhay ko hindi na yata ako kailanmang magiging buo.

I will never be the same again.

I fail to protect my youth. Malabo na rin para sa akin ang larong Volleyball. Hirap na akong maabot ang pangarap kong maging isang guro. Niligaw ako ni Jacob sa lugar na hindi ako magiging pamilyar. Nilimitahan na ako nito, pinagbawalan ng mangarap. Hirap na akong maging ako.

"May tatlong abogado na akong nakausap sa public attorney's office anak, they are willing to help us. Hinihintay nalang nila ang medical records at ang pagsampa natin ng pormal na kaso." Sabi ni inay. Huminga ako ng malalim. Kapag napapag-usapan ang tungkol sa nangyari agad akong napuputulan ng paghinga. Agaran ang paglukob ng takot sa buo kong pagkatao.

Takot. Takot na takot pa rin ako. Kaya noong nakaraang araw, hiningi ko kay inay na ipagpaliban muna ang pagsampa ng kaso laban kay Jacob.

Hindi pa ako lubusan na magaling. Hindi pa namin alam ang kalagayan ng aking ama. Haharap kami sa korte, kakalabanin ang isa sa pinakamakapangyarihang angkan dito sa  amin. Kaya kailangan ko munang maging malakas, pisikal at mental.

Hindi nadadaan sa awa ang hustisya. Kung hindi ka handa kakainin ka nito ng buhay. Duduraan. Kung pagpapadala kami sa galit, sakit, at poot baka mas ikakapahamak pa namin ang pagkalaban sa pamilya ni Jacob. Malakas ang loob ni Jacob na gumawa ng masama dahil makapangyarihan ang pamilya nito. Malulusutan lang nito ang kasalanang kanyang nagawa kung hindi kami handa sa susuungin naming laban.

Katotohanan nalang ang tanging meron kami. Kaya hinding hindi kami papayag na baliktarin nila ang katotohanang iyon.

"May laban po ba tayo nay?" tanong ko bago kami tuluyang tumungo sa silid na inuukopa ng aking ama. Mula sa likod ay lumipat si inay sa aking harapan. Lumuhod ito, upang magkapantay kaming dalawa. Malinaw na sa akin ang kanyang buong mukha.

Hindi lang pala ako ang nagbago. Dahil hindi ko na lubos na kilala ang babaeng kaharap ko ngayon.

Nakakaawang babae.

"Meron." Sagot ng aking ina. Ang pagkakasabi nito ay halos pabulong. Malabo. Malabong sagot dahil hindi iyon ang malinaw. Ang malinaw ay wala kaming laban.

Gusto kong makamit ang hustisya para sa akin. Gusto kong ibuhos ang lahat ng iyak habang pinapatawan ng sentensya ang hayop na si Jacob.

Gusto kong makabawi sa sarili ko. Nang sa gayon, hindi na pumimintig sa kirot itong nga pasa ko at sugat. Matitignan ko na ang sarili ko sa salamin.

The Rape Victim Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon